Connect with us

Showbiz

Jhong Hilario, masayang masaya sa pagiging hands-on sa anak nila ng kaniyang partner na si Maia Azores

Published

on

Nagkaroon ng isang guesting ang sikat na dancer at It’s Showtime host na si Jhong Hilario sa live episode ng “Magandang Buhay” nito lamang April 28, 2021. Kinapanayam siya ng mga hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal patungkol sa bagong yugto ng kaniyang buhay ngayon bilang isang ama.

Isinilang na kasi ng kaniyang partner na si Maia Azores ang kanilang panganay na anak na si Sarina Oceania nito lamang Marso 27, 2021.

“Walang tulog pero masaya. Sobrang nakakatuwa na meron na akong baby. Nakakapanibago pero okay lang. Sabi ko, darating at darating ako diyan, pero siguro, at the age of 44, natural lang na maging tatay na talaga ako.” Pahayag ni Jhong.

Ibinahagi din naman ng mahusay na aktor kung bakit Sarina Oceania ang naisip nilang ipangalan sa kanilang baby. Ayon sa kaniyang paliwanag, ang pangalang Sarina ay isang Hebrew name na ang kahulugan ay “Princess” habang ang Oceania naman ay dahil sa mahilig sila sa dagat, mahilig silang mag-swimming kahit na noong nagbubuntis pa lamang si Maia.

“Princess of the Ocean” ang ibig sabihin ng Sarina Oceania. Kung daddy duties naman ang pag-uusapan ay talagang hindi rin magpapahuli si Jhong. 6:30 ng umaga pa lamang kasi ay nagsisimula na ang kaniyang pag-aasikaso sa kanilang anak.


Kailangan niya kasing paarawan ang kanilang anak at pagkatapos ay siya na rin ang nag-aasikaso sa pagpapaligo niya dahil sa nagpapalakas pa rin si Maia na kinailangang sumailalim sa CS (caesarian section) operation. Sa ngayon, para kaya Jhong sa kabila ng mga naging tagumpay niya sa buhay bilang isang dancer, host, aktor at pulitiko, wala pa ring makapapantay sa kaligayahang nararamdaman niya dahil sa kanilang anak na siyang pinakamakapagpapakumpleto sa buhay niya ngayon.

“Sabi ko nga, kahit papaano, naging successful tayo sa pagiging Streetboys, naging successful tayo sa pagiging actor dahil nakakuha tayo ng mga award, naging regular tayo sa Showtime bilang host, and, eto, marami akong naipapasa na ordinansa at mga batas sa Makati. Pero ang sabi ko, ang pinakamakapagpapakumpleto sa buhay ko, e, yung maging tatay.” Dagdag pa ni Jhong.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media