Connect with us

Showbiz

Toni Gonzaga, ipinasilip ang napakagarbo at yayamanin nilang “master’s bathroom” na regalo sa kaniya ng kaniyang mister na si Paul Soriano

Avatar

Published

on

Patok na patok ngayon sa social media ang pagpapasilip ng mga sikat na artista ng kanilang mga magagarang bahay o di kaya naman ay mamahaling koleksiyon ng mga bags, sapatos, damit at marami pang iba. Ngunit para kay Toni Gonzaga, napakasaya na niya nang tuparin ng kaniyang mister na si Direk Paul Soriano ang kaniyang pangarap na “all white master’s banyo”.

Image Capture of video by Toni Gonzaga via YouTube

Noon pa man ay talagang pangarap na ito ni Toni ngunit kamakailan lamang nila ito naipagawa.

“Paul asked me last year ano’ng gift daw ang gusto ko for our anniversary. And I just said don’t buy me shoes, bags, or jewelry. Just give me my dream all-white master’s banyo. So, I got Creative Spaces to help me come up with a design that can maximize the space that we have,” Pagkukwento ng batikang host at aktres.

Pagbukas pa lamang ng pintuan ay talagang makikita na ang eleganteng “door knob” na aakalain mong pintuan ng isang hotel. Mayroon ding kulay puti na cabinet para sa mga damit ni Paul.

Image Capture of video by Toni Gonzaga via YouTube

Mayroon din silang hiwalay na “toilet” o trono sa kanilang banyo. Pagdating naman sa kanilang lababo ay sadyang napakaganda rin ng bawat detalye dito magmula sa tiles hanggang sa mga ilaw at gripo.

Ang kanilang salamin ay maaari ding gawing cabinet kung saan inilalagay nila ang mga gamit nilang mag-asawa at ng anak nilang si Seve. High-tech din ang bath tub ni Toni na talagang mamahalin ang tatak.

Maliban sa kaniyang bath tub ay paborito niya rin ang kaniyang “reading nook” kung saan sila madalas mag-bonding ng kaniyang anak. Mayroon ding pintuan ang kanilang banyo deretso sa kaniyang walk-in closet na punong-puno rin ng paborito niyang mga libro.

Masayang masaya si Toni dahil sa wakas ay natupad na rin ang kaniyang pangarap para sa kanilang “master’s banyo”. Deserve din naman niya ito dahil sa kaniyang kasipagan sa trabaho at pagiging isang mabuting ina at asawa sa kaniyang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media