Connect with us

Showbiz

Gerald Anderson, inilarawan ang nobyang si Julia Barretto bilang isang “fuel” kung siya ay isang barko!

Avatar

Published

on

Si Gerald Randolph Opsima Anderson Jr. o mas nakilala natin sa pangalan na Gerald Anderson ay 32 taong gulang na aktor at modelo. Marami ang napakahanga niya dahil sa angkin niyang galing sa pag-arte.

Hindi na rin nakapagtatakang mas maraming mga proyekto ang dumating sa kaniya kung saan nakatanggap din siya ng maraming mga parangal. Sa kabila ng tagumpay na kaniyang naranasan sa kaniyang karera sa showbiz ay mayroong ilang mga Pilipino ang tila hinuhusgahan siya dahil sa pakikipagrelasyon niya.

Madalas nang madawit ang kaniyang pangalan sa ilang mga sikat na artista na magiging karelasyon niya ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan ay mauuwi rin naman sa hiwalayan. Dumating pa nga sa isang punto na diumano ay pinagsabay niya ang dalawang bigating artista kung kaya naman nagkagulo gulo na rin ang dalawang artistang ito.


Lalo pang naging mainit ang kontrobersiya sa aktor nang ibunyag ng aktres na si Bea Alonzo ang naging karanasan nito nang maging karelasyon niya ito. Sa halip daw kasi na gumawa ito ng paraan upang maayos pa ang kanilang relasyon ay nagkaroon ng usap-usapan na niligawan na nito ang leading lady niya noon sa isang pelikula nila na si Julia Barretto.

Sa ngayon nga ay opisyal niya at proud na sila sa kanilang relasyon na noong una diumano ay talagang itinatanggi pa nila dahil sa magkaibigan lamang daw sila at propesyonal na magkatrabaho. Nang minsan namang nakapanayam ni Toni Gonzaga si Gerald sa “I Feel U” ay naitanong ng batikang host kung anong klase ng pag-ibig baa ng naibibigay sa kaniya ni Julia.

Agad namang sumagot si Gerald at sinabing, “Oh, wow, unconditional.” Dagdag pa niya, ang kaniyang nobyang si Julia ang isa sa mga taong kaya niyang pagkatiwalaan ng husto dahil sa kahit ano man ang mangyari ay mananatili at mananatili ito sa kaniyang tabi.

Kung barko man daw si Gerald, si Julia ang nagsisilbing “fuel” sa kaniya na nagbibigay ng lakas upang patuloy siyang lumaban sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media