Connect with us

Showbiz

Dawn Zulueta hinangaan ng publiko dahil sa pagiging proud niya sa kaniyang mga “uban” o silver hair!

Published

on

Si Rachel Marie Salman Taleon-Lagdameo o mas nakilala natin bilang si Dawn Zulueta ay isang 52 taong gulang na aktres, host at commercial model. Isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang aktres mula noon hanggang ngayon.

PHOTO/S: @DAWNZULUETA ON INSTAGRAM

Sa kabila ng kaniyang edad ay talagang hindi maipagkakaila na napakaganda pa rin niya. Siya ay ikinasal sa pulitiko at negosyanteng si Antonio Lagdameo Jr. noong 1997.

Biniyayaan sila ng dalawang mga anak, sina Ayisha Madlen Lagdameo at Jacobo Antonio Lagdameo. Maraming mga netizens ang nakapansin sa mga social media posts ng aktres dahil sa hindi niya ikinakahiya ang pagkakaroon ng maraming mga “uban” o silver hair.

PHOTO/S: @DAWNZULUETA ON INSTAGRAM

Marahil ay naging kaugalian na ng maraming mga Pilipino ang magkulay ng kanilang buhok lalo na kung unti-unti nang lumalabas ang kanilang mga “uban” dahil sa kanilang edad. Mayroon pa ngang iilan na pinapabunot ito ng mano-mano sa kanilang mga anak upang mabawasan ang paglitaw ng mga ito.

Para kasi sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng maraming mga “uban” ay senyales ng pagiging matanda kung kaya naman talagang ayaw na ayaw natin ito. Ngunit para kay Dawn na madalas mayroong hashtag na “DawnUbanLegend”, hindi niya ikinakahiya na mayroon na siyang mga “uban”.

PHOTO/S: @DAWNZULUETA ON INSTAGRAM

Sa katunayan nga ay mahigit isang taon na rin ang nakararaan mula nang huling beses siyang magpakulay ng buhok. Sa ngayon, bagamat kapansin-pansin na ang kulay ng kaniyang buhok ay tila ba mas bumagay pa ito sa kaniya.

Mas naging kaakit-akit at napakaganda pa nga niya sa paningin ng marami mula nang yakapin niya ang pagkakaroon ng mga “uban”. Ilan sa kaniyang mga tagahanga pa nga ang madalas na nagkokomento sa kaniyang mga larawan at sinasabing kamukha niya si Princess Diana.

PHOTO/S: @DAWNZULUETA ON INSTAGRAM

“Aging gracefully” kung ilarawan ito ng iba pang mga netizens. Talaga namang hindi natin dapat katakutan at ikalungkot ang pagtanda dahil lahat naman tayo ay doon rin papunta.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media