Connect with us

Showbiz

Payo nina Derek Ramsay at Ellen Darna sa mga nagnanais ring makahanap ng tunay na pag-ibig, “Be Patient”!

Avatar

Published

on

Maraming mga netizens ang nagulat nang mapabalita ang naging “wedding proposal” ng Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay kay Ellen Adarna. Sariwa pa sa alaala ng publiko ang naging kontrobersiyal na relasyon noon nina Ellen at John Lloyd Cruz kung saan bigla na lamang silang nawala sa kalagitnaan ng kanilang proyekto kung saan katambal ni Jonh Lloyd si Toni Gonzaga.

Bagamat hindi nila kaagad isinapubliko ang tungkol sa kanilang anak na si Elias Modesto ay marami nang nag-abang sa kanilang kasalan ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Sa kabilang banda, inabot rin ng higit sa isang taon ang relasyon nina Derek at Kapuso actress Andrea Torres.

Marami din ang sumuporta at nagmahal sa kanilang tambalan na nauwi rin naman sa paghihiwalayan. Ilang linggo pa lamang matapos nang kanilang hiwalayan ay nagkaroon na ng bulong-bulungan na nagkakamabutihan na nga sina Ellen at Derek.


Ito ay matapos mamataan ang aktres sa bahay ng aktor ng ilang beses, kasama ang kaniyang mga kaibigan at pamilya. Sa halos 2 buwan na pagiging malapit sa isa’t-isa ay hindi na nagdalawang-isip pa si Derek na alukin ng kasal ang aktres.

Ayon sa naging pahayag ni Derek sa isa sa kaniyang mga interview, hindi rin makapaniwala ng kaniyang ina sa nais niyang ito ngunit nakumbinsi niya ang kaniyang ina na talagang tunay na pag-ibig ang kaniyang nararamdaman para kay Ellen. Ayon naman kay Ellen, kung nagawa nga ni Derek na maghintay ng 44 taon bago matagpuan ang tunay na pag-ibig, tiyak na magagawa rin ito ng karamihan.

“There’s hope guys! It took him 44 years, be patient.” Pahayag ni Ellen.

“Yeah, be patient, don’t rush into it. And when I looked into myself and asked myself, ‘What is this that I’m feeling?’ I was like, ‘Wow, this is what true love is, and because it’s only been two weeks, why should I hold back?’ I’m like, ‘I’m so sure of it.’ And I told her. I was so confident. And that was what I told my mom,” Pagbabahagi pa ni Derek.

Source: Philstar | Latest Chika


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media