Connect with us

Showbiz

Ivana Alawi, ibinahagi ang naging paghihirap ng kaniyang ina at ng kaniyang pamilya noon kung kaya naman nais niyang tumulong ngayon sa iba!

Avatar

Published

on

Madalas nating naririnig sa mga matatanda na kung ikaw ay magsusumikap sa buhay at tiyak na magiging matagumpay ka. Tunay nga na marami sa atin ngayon ang nakaranas noon ng mahirap na pagsubok at ngayon ay talagang inaani na nila ang kanilang pinagpagalan dahil sa mayroon na silang mas komportableng buhay.

Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa naging rebelasyon ng sikat na vlogger at aktres na si Ivana patungkol sa naging paghihikahos nila noon. Sa naging virtual interview sa kaniya ng programang “Magandang Buhay” kung saan nakausap niya ang host na si Jolina Magdangal ay nagkwento siya kung paano sila naghirap noon.

Ayon kay Ivana ay nagsimula ang paghihirap nila nang bumalik sila sa Pilipinas. Talagang hirap na hirap sila noon nang umalis sila sa poder ng kaniyang ama na mayroong kakayanan sa buhay.

Naranasan diumano nila ang mag-ulam ng toyo sa kanin para lamang malamnan ang kumakalam nilang sikmura. Tumatak sa puso at isip ni Ivana ang mga pangyayaring iyon at kung hindi dahil sa pangungutang at pagtitiyaga ng kaniyang ina para sa kanilang pamilya ay hindi nila matatamasa ang buhay na mayroon sila ngayon.


Dahil dito ay mas natutunan nila ang magpahalaga sa salapi na kanilang kinikita. Mas naging “mature” din silang magkakapatid at mas naging malapit sila sa isa’t-isa. Batid ni Ivana ang hirap ng buhay kung kaya naman ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makatulong at makapag-abot rin naman ng biyaya sa mga taong nangangailangan.

Sa kaniyang mga viral video sa kaniyang YouTube channel ay hindi maipagkakaila na maraming mga tao na ang kaniyang natulungan. At mas marami pa siyang nais tulungan dahil sa walang patid din naman ang mga biyayang natatanggap ng kaniyang pamilya sa araw-araw.

Isang patunay lamang ito na kahit gaano pa kaganda ang isang tao, kahit gaano pa siya katagumpay sa buhay, kung talagang nanaisin ng kaniyang puso na tumulong sa kaniyang kapwa ay walang magiging dahilan upang hindi ito mangyari. Lahat ay magiging posible sa taong nais talagang tumulong sa kaniyang kapwa.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media