Connect with us

Showbiz

Bettina Carlos, masaya at kuntento kasama ang kaniyang pamilya sa bahay nila sa probinsiya!

Published

on

Marahil, ang buhay sa probinsiya ang isa sa mga pinapangarap ng maraming mga Pilipino lalo na sa pagdating ng panahon na kailangan na nilang magretiro. Kung sa siyudad ay marami nang mga tao, mahal ang mga bilihin, at talagang napakabigat na ng trapiko, sa probinsiya ay talagang makakalanghap ka ng sariwang hangin, makakakita ka ng magagandang mga tanawin at maraming mga bagay ang maaari mong gawin tulad na lamang ng pagtatanim at pamumuhay ng payak.

Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa naging post ng dating host at aktres na si Bettina Carlos dahil sa ngayon ay naninirahan na sila sa probinsiya. Kasama niya ang kaniyang mister na si Mikki Eduardo at ang kaniyang anak na si Gummy.

Pansamantala silang naninirahan ngayon sa probinsiya at talaga namang naging napakalaking pagbabago nito para kay Bettina na nasanay nang sampung taon bilang isang “single mom” na nakatira sa isang “condominium unit”. Kung seguridad at proteksyon lang ang pag-uusapan, naging ligtas sina Bettina sa dati nilang tirahan.

Sa ngayon ay bagamat naninibago ay naniniwala siyang magiging maganda ang karanasan nilang ito ngayon sa probinsiya. Sa katunayan, hindi niya maiwasang ibahagi sa social media kung gaano siya namamangha sa pagiging payak ng pamumuhay sa lugar nila ngayon.

Sa halip kasi na sa “portable water heater” siya kumuha ng mainit na tubig ay kailangan pa niyang magpakulo muna sa takure. Gasul kalan din ang ginagamit nilang pangluto samantalang poso naman ang katuwang nila kung kakailanganin nila ng tubig.

Natutuwa rin siyang gumamit ng timba at tabo sa bagong bahay nila ngayon. Maaari na rin silang magsampay sa maluwag nilang garahe kung saan kita ng kanilang mga kapitbahay ang kanilang mga sinampay.


Talaga namang napakasarap mamuhay sa probinsiya lalo na kung nais mo lamang ng simpleng pamumuhay kasama ang iyong mga mahal sa buhay sa isang masagana at payapang lugar.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media