Connect with us

Showbiz

Ellen Adarna, matapang na sinagot ang tanong ng isang netizen kung mapapatawad pa niya si Derek Ramsay sa oras na magtaksil ito at mambabae!

Published

on

Si Ellen Meriam Go Adarna ay 33 taong gulang na aktres at modelo. Siya ang unica hija at tanging heredera ng kaniyang mga magulang na isang Filipina-Chinese at isang Pinoy.

Photo credit: Ellen Adarna instagram

Ang kaniyang mga magulang ang nagmamay-ari ng ilang mga hotel, condominiums, at ng Queensland na isang motel chain sa Cebu, Maynila, at Davao. Mayroon din silang ipinatayo na templo bilang pagbibigay galang sa kaniyang yumaong lola.

Tunay nga na isa siya sa pinakasikat na sexy actress at modelo ng kaniyang henerasyon. Hindi na nakapagtatakang marami ang mabighani sa angkin niyang kagandahan.

Photo credit: Ellen Adarna instagram

Minsan na ring napabalita ang pagiging magkarelasyon nila ng aktor na si John Lloyd Cruz kung saan siya nagkaroon ng isang anak na pinangalan nilang Elias Modesto. Naging napakainit ng isyung ito dahil sa bigla na lamang silang nawala sa gitna ng proyektong kanilang ginagawa ng mga panahong iyon.

Sa ngayon ay engaged na si Ellen sa aktor na si Derek Ramsay na naging karelasyon naman noon ni Andrea Torres na isa ring mahusay na aktres. Nagulat ang marami nang mapabalita ang maaga nilang engagement.

Photo credit: Ellen Adarna instagram

Ngunit ayon naman sa kanilang dalawa ay tamang panahon na rin upang lumagay silang dalawa sa tahimik. Sa isang viral video ngayon ni Ellen ay mapapanuod kung paano niya sinagot ang tanong ng isang netizen kung ano ang kaniyang gagawin sa oras na mahuli niyang nagloloko ang kaniyang fiancé na si Derek.

Photo credit: Ellen Adarna instagram

Agad naman nitong sinabi na hinding-hindi na niya tatanggapin pa ang aktor sa oras na mangyari ito. Narinig naman ito kaagad ni Derek na katabi lamang niya ng mga oras na iyon. Sumagot naman itong hinding-hindi niya lolokohin si Ellen.

Nagtanong din ito kung sino ang netizen na nagpost ng tanong na iyon na talaga namang napakanegatibo. Marami ang kinilig sa pagiging sweet ng dalawa ngunit marami din naman ang mga taong duda pa rin kung magiging matagumpay nga ang kanilang relasyon sa paglipas ng panahon.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media