Connect with us

Showbiz

Nag-iisang kapatid na lalaki ni Ivana Alawi na si Hashim, pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa angkin nitong kagwapuhan at kasimplehan!

Published

on

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi o mas nakilala ng publiko bilang si Ivana Alawi ay 24 na taong gulang na Filipino-Moroccan actress, model, at YouTuber. Minsan na siyang sumubok noon sa “Starstruck” taong 2015 ngunit hindi siya pinalad na manalo.

Nabigyan pa siya ng ilang mga proyekto sa telebisyon at pelikula ngunit mas nakilala ng maraming mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang YouTube channel kung saan siya nagbabahagi ng mga nakakatuwa at napakakulit niyang mga videos. Madalas din namang makita sa kaniyang vlogs ang kaniyang pamilya na talaga namang mahal na mahal niya.

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na nakababatang kapatid ni Ivana ang child actress na si Mona Louise Rey o si Mona Alawi. Sina Amira at Hashim ay mga kapatid din nila. Katulad na lamang ni Ivana, ang kaniyang Kuya na si Hashim ay isa ring Filipino-Moroccan.


Nag-aral siya sa isang British school sa Bahrain kung kaya naman marunong din siyang magsalita ng Arabic. Ibinuking ni Mona ang kanilang kuya sa naging vlog nila noon kung saan sinabi nitong “single” pa rin ang kaniyang kuya at talagang stick-to-one ito.

Dagdag pa niya ay ang gusto talaga nito sa isang babae ay “with looks, brain at personality”. Dagdag pa diumano ni Hash, nais din niya sa isang babae ang maalaga, madaling kausap, matapat, maunawain at patas.

Hindi rin naman nagpahuli si Ivana dahil buong pagmamalaki nitong inilarawan ang kaniyang kuya bilang isang lalaking walang bisyo. Hindi diumano ito naninigarilyo o umiinom ng alak.

Tanging “ipis” lamang daw talaga ang sobrang kinatatakutan nito. Dahil madalas na makita si Hash sa mga vlogs nina Ivana at Mona, marami tuloy ang mga nagtatanong kung kailan nga kaya siya gagawa ng sarili niyang YouTube channel.

Tulad ng kaniyang mga kapatid ay magkakaroon din kaya siya ng interes na pasukin ang maingay at magulong mundo ng showbiz?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media