Connect with us

Showbiz

Siya pala ang napakaganda at napakaseksing kapatid ni Kim Chiu na isa ring flight attendant, si Wendolyn “Twinkle” Chiu!

Avatar

Published

on

Si Kimberly Sue Yap Chiu o mas nakilala natin bilang si Kim Chiu ay isang aktres at television host na mayroong lahing Chinese. Siya ang tinaguriang “Chinita Princess” at “Princess of Philippine Movie and TV”.

Marami ang humahanga sa kaniya hindi lamang sa angkin niyang kagandahan kundi dahil na rin sa pambihirang talento niya sa pag-arte. Una nang minahal ng publiko si Kim nang sumali siya sa reality TV series na “Pinoy Big Brother: Teen Edition” kung saan siya nagwagi bilang PBB Big Winner taong 2016.

Buhat nang manalo siya sa sikat na programang ito ay marami nang mga pintuan ang nagbukas para sa kaniya. Naging isa na rin siya sa mga artistang hawak ng “Star Magic”.

Lingid sa kaalaman ng publiko, ang lola pala ni Kim ang nagpalaki sa kanilang limang magkakapatid dahil sa maagang naghiwalay ang kaniyang mga nagulang. Pumanaw na ang ina ni Kim na si Louella Nee Yap habang ang kaniya namang ama na si William Chui, isang Chinese businessman ay lumaki naman sa Mindoro.


Sa ngayon ay isa na siya sa pinakasikat na artista sa bansa. Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang larawan na ito ng kaniyang kapatid na isang “flight attendant”. Tulad ng aktres ay talaga namang masasabing artistahin din ang ganda ni Wendolyn “Twinkle” Chiu ngunit hindi ito nagnais na pasukin ang industriya ng showbiz kundi mas naglaan siya ng panahon sa pangarap niyang maging isang “flight attendant”.

Sa ngayon nga ay nagtatrabaho siya sa “Philippine Airlines” na isa sa pinakamatatag at pinakakilalang kompanya sa buong Pilipinas. Kapansin-pansin sa social media account ni Twinkle na mahilig siyang magpunta sa mga “beach” at maging sa iba’t-ibang magagandang tourist destination sa loob at labas ng bansa. Marami ang nagsasabing kahawig niya talaga si Solenn Heussaff, Cristine Reyes at Mariano Rivera.

Ngunit tulad ng naggagandahang mga artistang ito ay may natatanging ganda rin naman sina Twinkle at ang kapatid niyang si Kim.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media