Connect with us

Showbiz

Zsa Zsa Padilla, ipinasyal ang kaniyang anak na si Karylle at mister nitong si Yael Yuzon sa kanilang napakalawak at napakagandang farm sa Lucban, Quezon!

Avatar

Published

on

Si Esperanza Padilla o mas nakilala ng publiko bilang si Zsa Zsa Padilla ay 56 taong gulang na mang-aawit at aktres. Isa sa pinakamahusay niyang naging pagganap ay ang karakter ni Helena Montoya/Red Dragon sa popular na TV series noong taong 2017 na pinamagatang “Wildflower” nang ABS-CBN.

Photo credit: Zhazha Padilla Youtube

Kilala din siya bilang partnet ng King of Comedy na si Dolphy na pumanaw sa edad 83 taong gulang noong Hulyo 2012. Mayroon siyang tatlong mga anak sina Karylle na isa ring sikat na mang-aawit na anak niya sa kaniyang dating asawang si Modesto Tatlonghari, sina Zia at Nicole (Coco) Quizon na anak naman niya kay Dolphy.

Photo credit: Zhazha Padilla Youtube

Kamakailan lamang ay naging bisita nina Zsa Zsa at ng kaniyang partner na si Conrad Onglao ang panganay ni Zsa Zsa na si Karylle at ang mister nitong si Yael Yuzon na bokalista at gitarista ng bandang “Sponge Cola”. Talaga namang napakaganda at napakalawak ng kanilang farm sa Lucban, Quezon na pinangalanan nilang Casa Esperanza hango sa tunay na pangalan ni Zsa Zsa.

Photo credit: Zhazha Padilla Youtube

Hindi napigilan ng mag-asawang Karylle at Yael na mamangha sa napakagandang tanawin rito. Naghanda rin naman ng munting salo-salo si Zsa Zsa para sa kaniyang anak at manugang.

Photo credit: Zhazha Padilla Youtube

Mayroong nakahandang Pancit Lucban, Lucban Longganisa, at ginataang hipon sa kanilang hapag-kainan. Naghanda at gumawa rin naman ng ilang mga putahe si Zsa Zsa tulad na lamang ng lumpiang labong at nilupak.

Para sa kaniyang latest vlog ay ninais niya talagang pasalamatan ang lahat ng mga magsasakang nagtatanim at nag-aalaga ng mga hayop dahil sa kanilang pambihirang kasipagan mabigyan lamang tayo ng masasarap na mga pagkain sa araw-araw. Tunay ngang malaki ang pasasalamat ni Zsa Zsa at ng kaniyang pamilya dahil sa mga “farmers” na nagtitiyag at nagsusumikap sa kanilang pagsasaka kahit pa nga hindi ganoon kalaki ang kanilang kinikita kumpara sa iba pang mga kabuhayan o trabahong maaari nilang pasukin.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media