Connect with us

Showbiz

Angel Locsin, hinahangaan pa ng husto at sinusuportahan ng marami kahit pa nga malaki na ang naging pagbabago sa kaniyang pangangatawan at nadagdagan din ang kaniyang timbang!

Published

on

Si Angelica Locsin Colmenares o mas nakilala natin bilang si Angel Locsin ay 35 taong gulang na television at film actress, commercial model, film producer at fashion designer. Isa siya sa pinakasikat na aktres ng kaniyang henerasyon.

Isa na marahil sa mga nagawa niyang proyekto na talagang tumatak sa publiko ay ang “Mulawin” (2002), “Darna” (2005) at marami pang iba. Ilan naman sa mga pelikulang kaniyang ginawa na umani ng sari-saring pagkilala ay ang “In The Name of Love” (2011) at “One More Try” (2012). Hindi na rin mabilang ang kaniyang mga acting awards na natanggap hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Sa dami ng kaniyang mga nagawang proyekto sa telebisyon man o sa pelikula, at kahit pa nga talagang kapansin-pansin na ang malaking pagbabago sa kaniyang pangangatawan ay hindi maipagkakaila na wala pa ring kupas ang angkin niyang kagandahan. Maliban pa rito ay talagang marami ang humahanga sa kaniya dahil sa mga pagtulong at pagkakawang-gawa niya sa maraming mga Pilipino.


Higit pa rito ay hindi niya ito ipinapahayag sa publiko ang ginagawa niyang pagtulong sa ibang tao. Hindi tulad ng ilang mga personalidad na kinakailangan pang ipangalandakan ang kanilang mga nagagagawang pagtulong.

Umani din naman ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang mga larawan na ito ni Angel. Ang pinakabago nga sa mga larawang ito ay ang kaniyang larawan habang suot ang isang mahabang floral dress.

Kulay pula ito at talagang bagay na bagay sa kaniya. Para sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta, hindi na mahalaga sa kanila kung mataba o payat ang kanilang iniidolo.

Ang importante ay ang kabutihang loob nito na hanggang sa ngayon ay mas lalo pang nakikita ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Hindi lamang karera niya ang pinagpapala sa ngayon kundi maging ang kaniyang buhay pag-ibig, engaged na rin kasi siya sa kaniyang nobyong si Neil Arce na isang movie producer.

Nagsimula ang kanilang relasyon bilang malapit na magkaibigan at ngayon nga ay nalalapit na ang kanilang kasal.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media