Connect with us

Showbiz

Singer na si Darren Espanto, nililigawan na nga kaya talaga ang unica hija nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na si Cassy Legaspi?

Published

on

Nakasanayan na nating ipagdiwang ang Araw ng mga Puso tuwing ika-14 na araw ng Pebrero. Tunay nga na maging ang pandemyang nararanasan ng buong mundo sa ngayon ay hindi napigilan ang maraming mga Pilipino na ipagdiwang ang araw na ito.

Marami-rami pa rin ang bumili ng mga magaganda at sariwang bulaklak sa ilang mga pamilihan at maging online. Hindi rin naman mawawala ang mga tsokolate at cake para sa mga minamahal nating mahilig sa matatamis na pagkain.

Maraming mga artista at sikat na personalidad ang nagbahagi ng ilang mga bagay na natanggap nila mula sa kanilang minamahal sa Araw ng mga Puso. Talagang pumukaw sa atensyon ng publiko ang larawan na ito ni Cassy Legaspi.

Siya ang kaisa-isang anak na babae ng celebrity couple na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Kakambal niya si Mavy Legaspi na talaga namang hinahangaan na rin ngayon sa industriya ng showbiz.


Sa ibinahaging larawan ng 20 taong gulang na si Cassy ay makikita ang kaniyang kagalakan dahil sa natanggap niyang mga bulaklak, isang bouquet ng mga Sunflowers. Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagbubulong-bulungan na ang mga bulaklak na ito ay mula sa 19 na taong gulang na Fil-Canadian singer na si Darren Espanto.

Si Darren Lyndon Gonzales Espanto o mas nakilala natin sa kaniyang screen name na Darren Espanto ay isa sa pinakasikat na mang-aawit sa bansa. Ilan sa mga nakakamangha niyang cover songs ay ang “Chandelier” na orihinal na kinanta ni Sia.

Sa edad na 10 taong gulang ay sumali na siya at nanalo sa “Masters Finals of the Pinoy Singing Sensation competition” sa Edmonton. Matatandaan na noong Nobyembre 2019 ay itinanggi ni Darren na nililigawan niya ang dalaga ngunit inamin naman nitong mayroon siyang “crush” o paghanga rito.

Kaugnay din ng diumanong panliligaw ni Darren kay Cassy ay ang pagbabahagi ni Carmina sa kaniyang Instagram patungkol sa mga kahon ng pizza na ipinadala nito para sa kanila kahit pa nga sa ngayon ay nasa Calgary, Alberta siya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media