Connect with us

Showbiz

Sunshine Cruz, mayroong nakakilig na mensahe kay Macky Mathay para sa kanilang 5th anniversary!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang mga balita tungkol sa hiwalayan ng mga sikat na artista. Madalas kasi na nagkakamabutihan sila sa isang proyekto na kan ilang pinagsamahan o di kaya naman ay naipakilala sa isa’t-isa ng kanilang mga kaibigan.

Kadalasan nating nababalitaan na makalipas lamang ang maiksing panahon ay nagdedesisyon na silang magpakasal ngunit kasabay din nito ang mabilis nilang paghihiwalay. Isa na marahil sa pinakakontrobersiyal na hiwalayan sa show biz ang hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Ayon kasi sa ilang mga artikulong una nang lumabas patungkol dito ay sinasaktan diumano at inaabuso ng aktor si Sunshine. Makalipas nga ang 13 taong pagsasama nila ay natuldukan na ito noong taong 2013. Ang kanilang mga anak na sina Angelina Isabelle , Angel Francheska , at Samantha Angeline ay nasa poder ng aktres.

Naging matatag at positibo naman ang aktres sa kabila ng naging karanasan niyang ito. Mas lalo pa siyang nagsumikap sa trabaho para sa kaniyang tatlong mga anak.

Makalipas pa ang ilang taon ay muli siyang nabigyan ng pagkakataon na magmahal. Ito ay sa katauhan ni Macky Mathay na kapatid ni Ara Mina.

Madalas silang nagbabahagi ng kanilang mga larawan online. At nito lamang Setyembre ay ipinagdiwang nila ang ikalimang taong anibersaryo.

Sinorpresa ni Macky ang aktres ng maraming mga bulaklak habang ang aktres naman ay nagbahagi ng napaka-sweet na mensahe para sa kaniya. Ayon kay Sunshine ay “blessed” daw siyang makilala ang kaniyang partner at sa limang taon na iyon ay talagang napuno ng kaligayahan ang kanilang relasyon.

Hindi lamang si Macky ang kaniyang ipinagpapasalamat dahil sa naging napakagandang biyaya din ang mga anak nito na sina Ro, Cole, at Charlie sa kanilang mag-iina. Dagdag pa ng aktres, si Macky mismo ang kaniyang inspirasyon upang mas lalo pa niyang pagbutihan ang kaniyang trabaho at lahat ng kaniyang ginagawa.

Tinapos niya ang kaniyang mensahe ng mga katagang “I love you. We love you.”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media