Connect with us

Showbiz

Jeric Raval, nagkaroon ng 18 mga anak sa mga nakarelasyon niya noon, apat sa kaniyang tunay na asawa!

Published

on

Si Jeric Raval o si Ricardo Buensuceso sa tunay na buhay ay isa sa pinakasikat na mga aktor noong dekada ’90. Siya ay 45 taong gulang na ngayon ngunit hindi pa rin nawawala ang angking kagwapuhan nito at ang pagiging matipuno sa paglipas ng panahon.

Maraming mga kababaihan din ang humanga at sumuporta sa kaniya noon. Minsan nang nagpaunlak ng panayam si Jeric Raval kung saan naikwento niya ang kaniyang buhay pag-ibig.

Ayon sa aktor, bago pa man daw siya pumasok ng showbiz noong 1990 ay kasal na siya sa kaniyang asawa na hanggang ngayon ay kapiling pa rin niya. Aminado naman siya na nakagawa siya ng mga kalokohan noon ngunit laking pasasalamat pa rin niya dahil tinanggap siyang muli ng kaniyang misis na si Holiday Buensuceso.

Ayon sa ilang mga ulat, mayroong 18 anak si Jeric sa kaniyang mga naging karelasyon noon. Apat sa kaniyang asawa at 14 pa sa ibang babae.

Sa ngayon ay mayroon na din daw 10 apo ang aktor. Narito ang ilan sa mga anak ng aktor, kilalanin natin sila:

JANINA RAVAL


Siya ang bunsong anak ng aktor sa dati niyang nobyang si Monica Herrera, isa ring sikat na aktres noong 1990s. Taong 1998 nang siya ay isilang. Taong 2017 naman nang subukan din niyang pumasok sa showbiz at dahil sa talento niya sa pag-awit ay hindi na nakapagtatakang nabigyan siya ng pagkakataon na maging isang artista. Sa ngayon ay hindi na siya aktibo sa showbiz ngunit madalas pa rin siyang mag-post ng mga larawan at updates sa kaniyang social media account. Mayroon na rin siyang dalawang taong gulang na anak na pinangalanan niyang Hunter.

JOSHUA BUENSUCESO


Si Joshua naman ang panganay na anak nina Jeric at Monica.

JENICA BUENSUCESO


Isa rin si Jenica sa mga naging anak ng aktor kay Monica Herrera.

AJ RAVAL


Si AJ Buensuceso o mas nakilala natin bilang ang young atress na si AJ Raval ay anak ni Jeric kay Alyssa Alvarez. Taong 2001 nang siya ay ipanganak. Taong 2019 naman nang pasukin niya ang showbiz. Hindi man gusto ng kaniyang ama na siya ay magpaseksi, ngunit dito na mas lalong nakilala ang dalaga. Sa ngayon ay isa na siyang kilalang social media influencer, vlogger, at streamer. Hindi niya nakagisnan ang kaniyang ina dahil 3 taong gulang pa lamang noon nang kuhanin ng kaniyang ama.

VANESSA BUENSUCESO


Isa rin si Vanessa sa mga anak nila ni Alyssa. Isa siyang mahusay na dancer at hilig niya talaga ang umawit at mag-gitara. Ilan din sa mga hobbies niya ang pagbibisikleta, pagta-tattoo, pagabubuhat sa gym at hilig din niya ang malalaking motorsiklo. Marami ang nag-akala na pusong lalaki si Vanessa ngunit lingid sa kaalaman nila na mayroon na rinsiyang anak na ngayon ay tatlong taong gulang na.

ACE BUENSUCESO


Si Ace ay anak din ni Jeric kay Alyssa. Isa siyang magaling na rapper. Kilala siya bilang si Drizzy Ace. Taong 2019 nang inilabas niya ang kaniyang single na “Madaling Araw” kung saan nakasama niya ang kapatid niyang si AJ.

YSABEL BUENSUCESO

Si Ysabel ang bunsong anak ng aktor kay Alyssa. Namana din niya ang angking kagandahan ng kaniyang mga magulang kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung maisipan niyang maging artista balang araw.

DAVE BUENSUCESO


Si Dave ay anak din nina Jeric at Alyssa. Siya ang bunso nilang anak. Sa murang edad ay kapansin-pansin na rin ang kagwapuhan sa kaniya.

MELA BUENSUCESO


Si Mela ang isa sa mga anak nina Jeric at asawa niyang si Holiday. Masyadong pribado si Mela at hindi madalas magbahagi ng larawan, videos, o impormasyon online. Minsan na siyang napanuod sa programang “Magandang Buhay” kung saan ibinahagi niya ang pagiging mabuti at istriktong ama ni Jeric sa kanilang magkakapatid.

PAUL ERIC BUENSUCESO


Isa rin si Paul Eric sa mga naging anak ni Jeric at Holiday.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media