Connect with us

Showbiz

Angel Locsin, ginulat ang kaniyang mga fans sa ibinahagi niyang mga larawan na resulta ng kaniyang weight-loss journey!

Published

on

Si Angelica Locsin Colmenares-Arce o mas nakilala natin bilang si Angel Locsin ay 36 na taong gulang na aktres, commercial model, film producer, at fashion designer. Isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at kaseksihan. Ngunit hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng publiko na dahil sa nangyari sa kaniyang injury noon ay kinailangan niyang sumailalim sa medikasyon na naging dahilan din upang mas madagdagan ang kaniyang timbang.

Marami ang humuhusga noon sa aktres ngunit sa kabila ng mga panghuhusga at pangungutya na natatatanggap niya ay mas minabuti niya pa ring gumawa ng mabuti sa kaniyang kapwa. Madalas siyang makita na tumutulong sa mga kababayan nating nasalanta ng kalamidad o di kaya naman ay mga taong mahihirap na nangangailangan ng tulong.


Mas marami din ang sumuporta sa aktres dahil dito. Nagsilbi din siyang inpirasyon sa maraming tao na palaging piliin ang tumulong sa kapwa. Pagmamahal sa sarili at pagiging kuntento rin ang ilan sa mga katangian na hinahangaan ng publiko sa kaniya.

Kamakailan lamang ay ginulat niya ang marami niyang tagahanga ng magbahagi siya ng ilang larawan ng kaniyang mas payat na pangangatawan. Halatang-halata kasi na malaki talaga ang nabawas sa kaniyang timbang buhat nang huling beses natin siyang makita sa mga larawan niya online.

Ayon sa naging caption ng aktres: “Remember to love every inch of you.” Nakangiti at nakasuot ng kulay itim na pang-workout ang blooming na aktres.

Marami ang nagsasabing sa maikling panahon ay nagawa niyang magpapayat kung kaya naman kaunting panahon na lamang ay tiyak na babalik na ang dati niyang katawan. Para naman sa aktres, tamang anggulo lamang daw ang kailangan upang magmukhang mapayat sa mga larawan.

Sa kabila ng kaniyang pahayag ay umani pa rin ng maraming mga positibong reaksyon at komento ang kaniyang post. Maging ang mister niyang si Neil ay nagbiro at sinabing pauwi na raw siya.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media