Connect with us

Showbiz

Andrea Torres, ipinamalas ang napakaganda niyang katawan sa kaniyang mga larawang kuha sa isang wellness spot sa Batangas!

Published

on

Si Andrea Elizabeth Eugenio Torres o mas nakilala natin bilang si Andrea Torres ay 31 taong gulang na aktres, host, dancer, at modelo. Siya ay kasalukuyang may exclusive contract sa GMA Network.

Mapapanuod siya ngayon sa “Legal Wives” kasama sina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali. Isa si Andrea sa pinakaseksi at pinakamagandang aktres sa telebisyon.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang talento sa pag-arte. Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na marami nang mga proyekto ang ipinagkatiwala sa kaniya at mas marami pa siyang natatanggap na mga proyekto sa ngayon.

Naging kontrobersiyal siya kamakailan lamang dahil sa naging paghihiwalay nila ng aktor na si Derek Ramsay. Nang matapos ang kanilang relasyon ay agad namang ginulat ng aktor ang publiko dahil sa pagkumpirma nito ng relasyon nila ni Ellen Adarna at ngayon nga ay engaged na sila.

Marami man ang nalungkot sa pangyayaring ito dahil inakala talaga ng kanilang mga tagasuporta na sa kasalan na mauuwi ang tambalang Derek at Andrea ay naging biyaya pa rin ito para sa aktres. Dahil sa nailigtas siya ng karanasang ito sa maling tao.

At kamakailan nga lamang, bukod sa maraming mga proyektong ginagawa ng aktres ngayon ay nagawa pa rin niyang mamahinga kasama ang kaniyang pamilya sa “The Farm” sa San Benito sa Batangas. Marami ang napa-wow sa kaniyang mga ibinahaging larawan sa kaniyang Instagram account.

Sa mga larawan kasi na ito ay makikita ang napakaganda niyang pangangatawan. Mayroon din siyang larawan kung saan makikita siyang nakasuot ng kulay dilaw na swimsuit at naka-shades.

Bakas din naman ang kaligayahan sa ilan pang mga larawan niya tulad na lamang ng kaniyang two-piece bikini photo habang nagbabasa sa tabi ng mga bato. Tunay nga na napakaraming mga netizens ang hindi magkamayaw sa pag-like at pag-react sa mga larawan na ito ni Andrea.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media