Connect with us

Showbiz

Mga lumang larawan ni Kris Aquino noong siya ay bata pa, pinuri at hinangaan ng publiko!

Published

on

Si Kris Aquino o si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino sa tunay na buhay ay 50 taong gulang na TV host, aktres, producer, product endorser, at businesswoman. Siya ay tinaguriang “Queen of All Media” dahil sa napakarami na niyang mga game shows at talk shows na talagang tinangkilik ng publiko.

Sa ngayon ay kinikilala na rin siya sa iba pang mga social media platforms tulad ng Facebook at YouTube. Siya ang bunsong anak ng dating Senador na si Benigno Aquino Jr. at dating Presidente ng Pilipinas na si dating presidente Corazon Aquino.

Itinuturing din siyang isa sa pinakamatagumpay na aktres ng kaniyang henerasyon. Marami din ang humanga sa kaniya sa mga horror films na ginawa niya noon tulad na lamang ng “Feng Shui” at “Sukob” kung saan mas ipinamalas pa niya kung gaano siya kahusay bilang isang aktres.

Kamakailan lamang ay marami ang nakapuna sa mga lumang larawan ni Kris noong kaniyang kabataan. Talaga namang makikita sa mga larawang ito kung gaano siya kasimple at kung gaano kainosente ang kaniyang mukha.


Umani ito ng maraming mga positibong komento mula sa publiko lalong lalo na sa kaniyang mga tagahanga. Sa kabila nito ay hindi rin maipagkakailang napakaganda ng kaniyang mukha.

Ilan mga netizens pa nga ang nagsabi na kakaiba ang ganda ni Kris noon kung kaya naman hindi na rin siya nahirapan pang pumasok sa industriya ng showbiz. Naging masalimuot man ang kaniyang buhay at ng kaniyang pamilya dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nanatili pa rin siyang matatag at positibo sa buhay.

Sa ngayon, kahit wala siyang katuwang sa buhay ay masaya at kuntento pa rin siya sa buhaya kapiling ang dalawa niyang mga anak na sina Joshua at Bimby. Palagi rin namang nakasuporta at nagpapakita ng kanilang pagmamahal ang kaniyang mga anak kung kaya naman hindi pa rin talaga matatawaran ang mga biyayang kaniyang natatanggap.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media