Connect with us

Showbiz

Celebrity couple na sina Chesca at Doug Kramer, nagbigay ng nakaantig na mensahe sa para sa ika-12 taong kaarawan ng panganay nilang si Kendra!

Published

on

Isa na marahil sa pinakasikat na pamilya ngayon sa Pilipinas ang pamilya nina Chesca at Doug Kramer. “Team Kramer” kung tawagin sila ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta.

Photo credit: dougkramer instagram

At talaga namang nasaksihan ng publiko ang naging pagsusumikap nila, makamit lamang ang tagumpay na mayroon sila ngayon. Si Chesca Kramer ay isang aktres at modelo noon habang professional basketball player naman si Doug na ngayon ay retirado na.

Taong 2008 nang sila ay mag-isang dibdib at makalipas nga ang higit sa 13 taon ay nananatili pa ring matatag ang kanilang pagsasama. Biniyayaan din sila ang tatlong mga anak, sina Clair Kendra, Scarlett Louvelle, at Gavin Phoenix.

Photo credit: dougkramer instagram

Talaga namang nakuha ng kanilang mga anak ang kagandahan at kakisigan ng mag-asawa. Sa ngayon ay dalaga na rin ang panganay na anak nilang si Kendra.

Nito lamang ika-25 ng Hunyo 2021 ay nagdiwang siya ng ika-12 taong kaarawan niya. Nag-iwan naman ng taos-puso at nakakaantig na mensahe sina Doug at Chesca para sa kanilang anak.

Photo credit: dougkramer instagram

Ayon kay Doug ay masaya siyang makita ang unti-unting paglaki ng anak lalo na ngayon na isa maituturing na niya siyang isang “incredible lady” tulad ng kaniyang Mommy Chesca. Hindi rin nakalimutan ng dating PBA player na magpasalamat sa Diyos dahil sa kalakasan at buhay niya.

Dahil sa mga biyayang ito ay nagagawa niyang magabayan at masuportahan, hindi lamang si Kendra kundi maging ang dalawa pa nilang anak na sina Scarlett at Gavin. Gayundin naman ay marami din ang naantig sa mensahe ni Chesca para sa birthday girl.

Sinabi kasi nito sa kaniyang anak na palagi siyang nakasuporta at gagabay sa kaniyang anak hanggang sa paglaki nito. Nais din niyang ituro kay Kendra ang lahat ng mga bagay na dapat niyang malaman.

Photo credit: dougkramer instagram

Tunay nga na napakasarap marinig ang mga salitang ito sa ating mga magulang, hindi ba? Maligayang kaarawan sa iyo, Kendra!


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media