Connect with us

Showbiz

Mag-asawang Patrick Garcia at Nika Garcia, masayang ibinahagi ang napaka-cute na mga larawan ng kanilang unico hijo na si Baby Pablo!

Published

on

Ang pagbuo ng isang pamilya ay isang desisyon na talagang dapat na panindigan kahit na ano pang pagsubok ang pagdaanan ng mag-asawa. Kailangan ay maging matatag sila sa maraming mga bagay na maaari nilang kaharapin sa bagong buhay nilang ito na magkasama.

Hindi naman puro hirap, pasakit, at sakripisyo ang pagbuo ng isang pamilya. Isa rin talaga ito sa mga pangarap ng marami sa atin – ang magkaroon ng sariling pamilya at sariling mga anak.

Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang ilang mga larawan ng pamilya ng mag-asawang Patrick Garcia at Nika Garcia. Maaalalang si Patrick ang naging karelasyon noon ni Jennylyn Mercado kung saan nagkaroon sila ng isang anak na 13 taong gulang na ngayon si Alex Jazz.

Sa paglipas ng panahon ay nagkapatawaran na sila at naging maganda na ang relasyon sa pagitan nila, lalong lalo na ang pagkakaibigan nina Jennylyn at Nika. Taong 2015 nang ikasal sina Patrick at Nika.

Sa anim na taon nilang pagsasama ay nabiyayaan na sila ng tatlong anak na babae. Sina Michelle, Nicole at Pia. Tulad ng ibang mag-asawa ay pangarap din nilang maranasan na magkaroon ng anak na lalaki.

Dahil sa mayroon na silang tatlong anak na babae ay talagang nagdasal silang mabiyayaan naman ng anak na lalaki. At nito lamang Hulyo ay dininig na ng Diyos ang kanilang dasal.

Nagsilang ng isang malusog at napakagwapong baby boy si Nika. Pinangalanan nila siyang Baby Pablo.

Ibinahagi ng mag-asawa ang napakagandang blessing na ito sa kanila mismong YouTube channel. Napakarami ding mga larawan ang ibinabahagi nila sa kanilang mga social media accounts na talagang kinagigiliwan ng kanilang mga tagahanga.

Kahit kasi napakabata pa ni Baby Pablo ay kapansin-pansin na ang napakagandang mukha nito na tiyak na namana niya sa kaniyang mga magulang na kapwa gwapo at maganda. Papayagan nga kaya ng mag-asawa na pumasok din sa showbiz ang kanilang anak na si Baby Pablo paglaki nito?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media