Connect with us

Showbiz

Chito Miranda at Neri Naig, masayang ibinahagi ang ilang larawan ng kanilang pangalawang baby na si Baby Cash!

Published

on

Ang pagkakaroon ng isang masaya at buong pamilya ay ilan lamang sa mga bagay na talagang pinapangarap natin sa buhay. Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagsusumikap at pagpapagal natin sa buhay.

Kahit na maraming pagsubok at hindi mabilang na problema ang kinakaharap natin sa araw-araw ay hindi ito naging hadlang upang patuloy tayong mangarap para sa ating sarili at lalong lalo na para sa ating sariling pamilya. kamakailan lamang ay marami ang bumati sa mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig-Miranda dahil sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Oktubre 8, 2021 nang isilang ni Neri ang kanilang ikalawang anak na si Manuel Alfonso o si Baby Cash. Maaalalang taong 2014 nang ikasal ang dalawa at makalipas lamang ang dalawang taong paghihintay ay nabiyayaan sila ng kanilang panganay na anak na pinangalanan naman nilang Miguel Alfonso.


Marami na ring pinagdaanan ang mag-asawang Miranda ngunit sa ngayon ay nagsisilbi silang magandang halimbawa sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga mag-asawa. Mayroon man silang kaniya-kaniya nilang karera at mga negosyo, sinisigurado nilang mayroon pa rin silang panahon para sa isa’t-isa.

Umaapaw din naman ang mga pagpapala sa kanila dahil sa halos lahat ng pinasok na negosyo nang mag-asawa ay nagiging matagumpay. Marami na ring nabili at naipundar ang mag-asawa mula sa kanilang pagsusumikap sa trabaho.

Sa naging post ni Chito sa kaniyang social media account ay labis siyang nagpasalamat sa mga taong nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kaniyang pamilya. Kalakip ng kaniyang napakagandang caption ay ilang larawan ni Neri at ng kaniyang bagong silang na anak.

Talaga namang napakasarap makita na ang isang tao o isang pamilya ay patuloy na umaasenso sa buhay. Hindi lamang sila ang umaasenso kundi maging ang mga tao sa kanilang paligid.

Hindi rin sila natatakot na tumulong at ibahagi sa publiko kung ano ang pamamaraan na kanilang ginawa upang maisakatuparan ang mga pangarap nilang ito.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media