Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo, ipinasilip ang kaniyang customized van na mayroon pang sariling shower area sa loob!

Published

on

Marami nang mga artista sa loob at labas ng bansa ang talagang nagpapagawa ng “customized van” para sa kanilang trabaho. Ang isang artista car o artista van ay isang “customized” na sasakyan para mismo sa iyong mga pangangailangan ng isang artista o sikat na personalidad.

Kamakailan lamang ay masayang ipinakita ni Bea Alonzo sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang pinagawang van. Noon daw ay wala talaga siyang balak bumili at magpundar nito ngunit dahil na rin sa pandemyang kinakaharap pa rin natin sa ngayon ay nagdesisyon siya na kailangan niya na talaga nito lalo na sa kaniyang trabaho ngayon.

Pagbungad pa lamang sa kaniyang magarang sasakyan ay mayroon na siya kaagad na mga sanitary items sa isang lalagyan. Mayroon siya ditong maliit na garbage bin para sa mga gamit nang “face mask”, bagong “face mask”, alcohol, malinis na tsinelas at disinfectant spray.

Ang buong sasakyan niya ay mayroon ding remote control system at virtual assistant technology na “Alexa”. Marami ding mga outlets, control system, starry light at intercom sa loob nito.
‘Nagpasadya din siya ng maliit na lamesa para kainan at lagayan ng kaniyang laptop. Ang kaniyang upuan naman ay maaari ding maging “massage chair” at wireless charger.

Mayroon ding wi-fi ang buong sasakyan at telebisyon. Dahil mahilig din siya sa kape ay mayroon din siyang pinasadyang coffee corner. Mahilig kumain si Bea at gusto niyang palaging mainit ang kaniyang pagkain kung kaya nagpakabit na rin siya ng sarili niyang microwave sa loob mismo ng kaniyang van. Sinigurado naman niyang safe ito.

Ang kaniyang mga overhead compartments ay mayroong mga snacks, scented candles, toiletries, at first aid kit. Ipinasilip din ng aktres ang nakakamanghang shower area niya na talagang kumpleto mula sa mga gripo, showerhead, toilet at mayroon pang bidet!

Sa cockpit o sa driver’s area naman ay mayroon ding kaniya-kaniyang overhead compartment ang kaniyang driver at assistant. Dito rin makikita ang kanilang fridge na mayroong mga drinks at prutas.

Mayroon ding CCTV ang kanilang sasakyan upang makita nila ang labas nito. High-ceiling at mayroon ding water-proof carpet ang napakagandang van ni Bea.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media