Connect with us

Showbiz

Sue Ramirez, may nakakakilig na mensahe para sa kaarawan ng kaniyang nobyo na si Javi Benitez!

Published

on

Si Sue Anna Garina Dodd o mas hinangaan ng marami sa atin bilang si Sue Ramirez ay 25 taong gulang na aktres, modelo, at singer. Isa siya sa mga artista na mayroong pinakamagandang mukha sa showbiz ngayon.

Hindi lamang ang angkin niyang kagandahan at maalindog niyang pangangatawan ang hinahangaan ng publiko sa kaniya dahil sa talagang mahusay din siya sa pag-arte at pag-awit. Hindi na nakapagtataka na maraming mga kalalakihan ang nagkakagusto sa kaniya.

Ngunit, mayroon nang maswerteng lalaki ang nakakuha ng puso ni Sue. Ito ay walang iba kundi Javier “Javi” Benitez.

Maalalang ipinakilala siya bilang isa sa mga aktor ng Star Magic taong 2019. Ilan sa mga proyektong ipinagkatiwala sa kaniya ay ang “The General’s Daughter” at “Walang Hanggang Paalam,” kung saan pareho siyang napabilang sa mga mahuhusay na gumanap sa mga palabas na ito.

Ayon sa ilang mga nauna nang ulat, nagkakilala ang aktres at si Javi sa proyekto nilanag “Alpha Kid One” at dito na nagsimula ang matamis nilang pagmamahal. Talaga namang nilanggam ang magkasintahan nang magbahagi ng isang napaka-sweet at nakakakilig na post si Sue sa kaniyang social media account bilang pagbati sa kaarawan ng kaniyang nobyo.

“Pangakong iingatan at mamahalin ka sa abot ng aking makakaya. Maligayang kaarawan, Mahal ko!” Simple ngunit nakakakilig na mensahe ni Sue para kay Javi.

Sumagot din naman ang aktor at sinabing ang aktres daw ang bumubuo ngayon ng kaniyang buhay. Nagpasalamat din naman siya sa pagmamahal ng kaniyang kasintahan na tinawag niyang “Inday Sue”.

Nito lamang Setyembre 2021 ay pormal na inanunsyo ni Javi na tatakbo siya bilang alkalde ng Victorias City sa probinsiya ng Negros Occidental. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na magmahal ngunit masarap din namang makaramdam ng wagas at tunay na pagmamahal mula sa taong pinakamamahal mo.

Nakakatuwang makita ang mga sweet na larawan at palitan ng mensahe ng magkasintahang Javi at Sue, hindi ba?


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media