Connect with us

Showbiz

Nakakatuwang mga throwback pictures ni Alex Gonzaga, kinagiliwan ng maraming mga netizens!

Published

on

Si Catherine Cruz Gonzaga-Morada o mas nakilala natin bilang si Alex Gonzaga ay 33 taong gulang na television host, aktres, singer, komedyante, entrepreneur, vlogger, at author. Marami ang humahanga at sumusuporta sa kaniya dahil sa kaniyang mga natatanging talento.

Marami din ang humahanga sa pagiging simple at masayahin niya. Higit sa lahat ay mayroon din siyang matatag na pananalig sa Diyos gayundin ang buong sambahayan niya.

Talaga namang isa siya sa mga hinahangaang personalidad sa ngayon. Pinasok na din niya ang pagiging isang YouTuber kung saan mas napapakita niya ang kaniyang kakulita.

Kamakailan lamang ay nagbahagi din siya ng ilang mga larawan niya noong kaniyang kabataan. At isa na nga sa mga ito ang kaniyang larawan sa tabi ng pool kung saan siya nagsuswimming.
Kapansin-pansin sa larawang ito ang pagiging payat niya. Wala din daw siyang kilay ayon sa vlogger. Mayroon din siyang isang larawan kung saan kasama naman niya ang kaniyang ate Toni Gonzaga.

Kitang-kita naman sa kaniyang larawan kung gaano siya kasaya kasama ang kaniyang ate na nagsilbing inspirasyon din para sa kaniya. Tunay nga na napakasarap balikan ang masasayang ala-ala ng ating kabataan.

Ano man ang ating hilig o interes noon at kahit pa nga hindi ganoon kaganda ang ating hitsura, ang mahalaga ay naging masaya tayo. Sa ngayon ay mas masaya at kuntento na si Alex sa kaniyang buhay hindi lamang dahil sa tinatamasa niya ngayong kasikatan kundi dahil na rin sa napakaraming mga tao na nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

Tunay nga na marami mang pagsubok ang dinanas noon ni Alex, bilang anak, bilang kapatid, at bilang isang kabataan ay nagawa pa rin niyang mapagtagumpayan ang lahat ng ito sa tulong ng Panginoon. Dahil sa kaniyang pananampalataya ay nabigyang kasagutan ang kaniyang mga dalangin.

Kung kaya naman gaano man kahirap ang landas na ating tinatahak at gaano man kahirap ang mga pagsubok na ating pinagdaraanan ay hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa at ng ngiti sa ating mga labi tulad na lamang ni Alex.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media