Connect with us

Showbiz

Nakakakilig na “Not My Hands” challenge nina Bea Alonzo at Dominic Roque, kinagigiliwan ngayon ng marami nilang tagahanga!

Published

on

Paano mo nga ba malalaman na ikaw ay nasa tamang tao? Matapos ba ng isang masakit na hiwalayan ay maniniwala ka pa rin sa tunay at wagas na pag-ibig?

Ayos lang kaya kung bubuksan mong mili ang iyong puso upang magmahal? Napakaraming mga katanungan ang tiyak na tumatakbo sa isipan ng mga taong niloko, pinaasa at iniwan.

Wala naman sa atin ang nais na makaranas nito sa ating buhay. Ngunit aminin man natin o hindi, mayroon talagang mga tao na hindi man nila gusto ay talagang nararanasan nila ang mahirap at masakit na sitwasyong ito.

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang naging masakit na karanasan ng aktres na si Bea Alonzo noon sa kaniyang dating nobyong si Gerald Anderson na ngayon ay masaya na sa piling ng aktres na si Julia Barretto. Sa kabila kasi ng ibinigay niyang pagmamahal sa aktor ay tila na-“ghosting” pa siya nito.

Maraming mga netizens ang talagang nagalit sa pangyayaring ito. Ngunit nagpakita ng katatagan si Bea. Sa ngayon ay masayang masaya at kuntento na rin siya sa piling ni Dominic Roque, ang kaniyang nobyo.

Nag-uumapaw lang naman sa katamisan ang kanilang mga videos at mga larawan online lalo na ang kanilang mga travel adventures. Hindi nila ito isiniwalat sa publiko dahil sa hindi rin naman nila gusto na pagpiyestahan sila ng maraming tao lalo na at dumaan sa masakit na karanasan ang aktres.

Ngayon ay mas marami na ang nagmamahal at sumusuporta sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay umani ng maraming positibong komento at reaksyon mula sa publiko ang latest vlog nilang pinamagatang “Not My Hands” challenge.

Sa challenge na ito ay kapwa sila nagluto ng French Toast. Lamang ang aktres dito dahil sa hilig talaga niya ang pagluluto habang palagi naman daw assistant sa kusina ang kaniyang nobyong si Dominic.

Sa pagluluto ni Bea gamit ang kamay ng kasintahan ay mayroon pang mga nahuhulog na balat ng itlog kung kaya naman tawang-tawa ito. Marami din ang kinilig dahil sa sobrang magkalapit ang dalawa dahil sa literal na yayakapin talaga nila ang isa’t-isa sa challenge na ito.

Tunay nga na napakasarap pagmasdan ng dalawang ito at marami ang nagdarasal na sana ay sila na talaga ang para sa isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media