Connect with us

Showbiz

Dimples Romana masayang masaya sa sagana nilang ani ng avocado at mga mangga!

Published

on

Hindi biro ang pagiging isang artista. Maaaring inaakala natin na madali lamang ang kanilang trabaho dahil sa kakanta, sasayaw, o aarte lang naman sila dito ngunit ang lingid sa ating mga kaalaman ay marami din silang kailangang isakripisyo para lamang makamit ang tagumpay na kanilang pinakaaasam-asam.

Photo credit: Dimplesromana instagram

Maliban sa pag-aartista na talaga namang malaki din ang kitaan sa bawat proyektong kanilang nagagawa, marami ding mga sikat na personalidad sa ngayon ang naghahanap na ng iba pang mga investments. Isa na marahil sa kanila ang aktres na si Dimples Romana.

Minsan na natin siyang minahal at hinangaan bilang isa sa mga pangunahing tauhan sa teleseryeng “Ang Kadenang Ginto” kasama sina Albert Martinez, Adrian Alandy, Beauty Gonzalez, Andrea Brillantes, at Francine Diaz. Dahil sa mahusay nilang pagganap ay talagang hinangaan sila ng maraming mga Pilipino.

Photo credit: Dimplesromana instagram

Marami ding nagbukas na oportunidad sa kanila at mas marami ang natanggap nilang mga proyekto. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Dimples ang ilang mga kuhang larawan ng isa sa kanilang mga farms.

Photo credit: Dimplesromana instagram

Maaalalang taong 2009 nang nagpundar silang mag-asawa ng isang farm sa Alfonso, Cavite at di nagtagal ay nakabili silang muli ng isa pang farm sa Calaca, Batangas. Sa mga larawang ibinahagi niya ay makikita ang napakagandang ani ng mga sariwang mangga at avocado sa farm nilang ito.

Kung kaya naman walang pagsidlan ng kagalakan ang mag-asawa. Itinuturing din nila itong “fruits of labor” dahil sa talagang nagsumikap sila katuwang ang kanilang mga malapit na kaanak at kaibigan upang maisakatuparan ang kanilang pangarap.

Photo credit: Dimplesromana instagram

Minsan nang ibinahagi ng aktres na ang pangarap talaga nilang mag-asawa na makabili ng lupa, makapagtanim ng mga prutas at gulay at saka ito ipamahagi sa kanilang mga pamilya at kaibigan. Ito ang paraan nila upang iparamdam sa kanila kung gaano sila kahalaga at simpleng paraan din ito upang sabihin na naalala nila sila.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media