Connect with us

Showbiz

Throwback picture ni Pooh noong siya ay binata pa, umani ng sari-saring komento mula sa maraming mga netizens!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, napakarami nang nagbago lalong-lalo na pagdating sa teknolohiya. Hindi maipagkakaila na marami na tayong nagagamit at nae-enjoy na mga bagay sa ngayon kaysa noong 10 hanggang 15 taon na ang nakararaan.

Photo credit: Pook_tik instagram

Sa paglipas ng panahon ay marami na rin ang naging pagbabago sa ating buhay, lalo na sa ating mga pisikal na hitsura. Kung kaya naman kadalasan ay hindi rin natin maiwasan na balikan ito at muling alalahanin ang kwento sa likuran ng mga larawang ito.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan at kinagiliwan talaga ng husto ang lumang larawan ni Pooh. Si Bien Co o mas nakilala natin bilang ang komedyante, aktor, impersonator, singer at host na si Pooh ay 46 na taong gulang na.

Photo credit: Pook_tik instagram

Madalas natin siyang napapanuod noon sa comedy gag show na pinamagatang “Banana Split”. Malaban dito ay marami din ang nakapansin sa pagkakahawig niya sa mahusay na boksingero at pulitiko na si Senador Manny Pacquiao.

Isa sa mga naging post ni Pooh ang lumang larawan niya noong kaniyang kabataan. Binatilyong-binatilyo pa siya noon at nakasuot lamang ng simpleng t-shirt na kulay puti.

Photo credit: Pook_tik instagram

Nilagyan din niya ito ng caption at sinabing “Sinong nagsabi na panot ako?” Maraming mga netizens ang natawa sa post niyang ito at ilang sa mga malalapit niyang katrabaho sa industriya ay nagkomento din sa kaniyang throwback picture.

Ilan nga sa kanila ay sina Nikki Valdez at gayundin din naman si Kaye Abad-Castillo na parehong “Mars” ang tawag sa komedyante. Noon pa man ay naging tampulan na ng tukso at bahagyang katatawanan ang mataas na hairline ng komedyante kung kaya naman marami talaga ang nasorpresa nang makita nila ang lumang larawan niyang ito.

Photo credit: Pook_tik instagram

Talaga namang nakakatuwa pa ring makakita ng mga ganitong klase ng larawan dahil sa marami talagang mga alaala ang nagbabalik. Maaaring para sa iilan ay hindi na ito maibabalik pa ngunit ang pakiramdam mismo at mga alaalang kalakip ng mga larawang tulad nito ay walang katumbas.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media