Connect with us

Showbiz

Badjao Girl Rita Gaviola, nagpahiwatig na nang kaniyang pagnanais na sumali sa susunod na Miss Universe Philippines pageant!

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino ang mahilig sa isports habang ang iba naman ay interesado sa pulitika. Hindi rin naman natin maipagkakaila na marami din sa atin ang mahilig manuod at sumali ng mga prestihiyosong kompetisyon tulad na lamang ng mga beauty pageant.

Tunay nga na iba talaga ang gandang Pilipina. Kung kaya naman maraming mga dayuhan din ang nabibighani at nagpapakasal sa ating mga kababayang Pilipino.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang Miss Universe Philippines pageant na ginanap sa gitna ng pandemya. Maraming mga naggagandahang binibini mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ang nakilahok sa naturang patimpalak.

Mayroon tayong kaniya-kaniyang pambato at kaniya-kaniya talaga tayo ng sinusuportahan sa pamosong patimpalak na ito. Hindi pa man din nakokoronahan ang bago nating Miss Universe PH ay marami na ang nagalak nang magpahiwatig si Badjao Girl Rita Gaviola na balak niya na ring sumabak sa Miss Universe Philippines!

Si Rita ay maaalalang sumikat noong taong 2016 matapos siyang makuhanan na namamalimos sa Pahiyas Festival. Marami ang nabighani at humanga sa angkin niyang kagandahan sa kabila ng dungis nito sa mukha at sa kaniyang kasuotan.

Dahil dito ay maraming nagka-interes sa kaniyang buhay at hindi na natigil pa ang mga programa sa telebisyon na ninais siyang makapanayam. Matapos nito ay nabigyan din siya ng pagkakataong mapabilang sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan siya ay binansagang “Badjao Girl ng Lucena”.

Mababasa sa kaniyang post ang mga katagang: “Soon sasali na tayo sa miss u,” gayundin ang kaniyang mga nakakabighaning larawan na ibang-iba na sa dati niyang hitsura noong siya ay nakuhanan ng larawan sa Pahiyas Festival. Malaki man ang pinagbago ng kaniyang hitsura ay wala namang nagbago sa kaniyang pag-uugali.

Nanatili pa rin siyang mapagpakumbaba at mapagmahal sa kaniyang pamilya kung kaya naman mas marami pa ang sumusuporta at nagmamahal sa kaniya ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media