Connect with us

Showbiz

Nadine Lustre, namataan ng kaniyang mga tagahanga sa isla ng Siargao. Mga simpleng larawan niya ngayon pinagkakaguluhan ng publiko!

Published

on

Si Nadine Alexis Paguia Lustre o mas nakilala ng publiko bilang si Nadine Lustre ay isang 27 taong gulang na aktres, singer at music video director. Dati siyang miyembro ng all-female group na Pop Girls.

Gumanap din siya bilang si Georgina Evangelista sa “Bagets: Just Got Lucky”. Maliban dito ay marami pa siyang nagawang mga proyekto na talaga namang tumabo sa takilya.

Tunay nga na hindi maipagkakailan na isa siya sa pinakasikat at pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon. Isang certified “Morena beauty” din ang aktres kung kaya naman mas marami talaga ang nagbibigay suporta sa kaniyang mga kababaihan.

Dahil sa angking kagandahan at kaseksihan ay hindi na nakapagtatakang maraming mga lalaki rin ang nahuhumaling sa kaniya. Sino ba naman ang hindi magkakaroon ng “crush” sa isang Nadine Lustre?

Samantala, ang tambalan naman nila ni James Reid ay talagang pumatok sa maraming mga manunuod. Binansagan din ang kanilang love team na JaDine – James at Nadine.


Ilang taon pa ang lumipas at nagkaroon na nga sila ng matamis na pagtitinginan sa isa’t-isa. Ang kanilang tambalan ay mas lalo pang inabangan dahil sa ang dating on-screen partner lamang ay totoo nang magkarelasyon!

Sa kasamaang-palad ay hindi rin nagtagal ang kanilang pag-iibiga. Nobyembre 2019 ay isinapubliko ng dalawa ang kanilang paghihiwalay na pareho nilang naging desisyon.

Makalipas ang matagal na panahon ay nanatiling tahimik ang magkabilang-panig. Kamakailan lamang ay muli na namang pinag-usapan si Nadine matapos siyang mamataang bumibili ng isang kilalang sawsawan suot lamang ang simpleng kasuotan at tila ba naghihintay ng sukli mula sa isang tindera.

Ilang mga larawan pa ng aktres ang ibinahagi ng mga taong nakakita sa kaniya at sa kaniyang rumored boyfriend na si Christopher Bariou sa isla ng Siargao. Si Christopher ang owner at isa sa mga co-founders ng magazine na Be Siargao.

Mayroong mga larawan ang dalawa na masayang kumakain sa isang carinderia. Bagamat wala pang kumpirmasyon si Nadine kung sila nga ay magkasintahan na, marami sa kaniyang mga tagahanga ang labis na natuwa dahil sa game na game siyang nagpapakuha ng larawan kasama ang mga ito kahit pa nga siya ay kasalukuyang nasa bakasyon sa isla.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media