Connect with us

Showbiz

Bea Alonzo, inamin na ang matamis na pagtitinginan nila ni Dominique Roque! Ipinasilip din ang naging bakasyon nila sa California!

Published

on

Ika-9 nang Agost, 2021 nang aminin ni Bea Alonzo na sila na nga at talagang kumpirmado nang magkasintahan sila ng modelo at aktor na si Dominique Roque (Dominic Karl Manalo Roque). Si Dominique ay 31 taong gulang na at minsan na rin natin siyang hinangaan sa naging mahusay niyang pagganap sa proyekto niya noon na “Aryana” at “May Isang Pangarap”.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Hindi lamang siya isang mahusay na aktor dahil sadyang napakakisig at napakagwapo rin nito. Ayon sa ilang mga ulat, naging malapit na magkaibigan muna ang dalawa bago naging magkasintahan.

Maaalala din naman na taong 2019 nang maging kontrobersiyal ang diumano ay panggo-ghosting ni Gerald Anderson sa kaniya, dating nobyo ni Bea, matapos nitong makatrabaho noon ang aktres na si Julia Barretto. Third party man ang itinuturing dahilan ng kanilang naging hiwalayan ay iginiit naman ng aktor at ng kaniyang ka-loveteam noon na si Julia na wala silang relasyon.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Nito na lamang Marso 2021 nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon. Sa kabila ng naging mga kaganapan ay nakatanggap ng maraming suporta si Bea mula sa kaniyang mga tagahanga at maging sa mga netizens.

Hindi rin naman mabilang ang mga taong nagalit at nang-bash kay Gerald at maging kay Julia dahil sa diumano ay naging kasalanan nila sa aktres. Sa ngayon nga ay masayang masaya nang muli at kuntento na ang aktres na si Bea lalong-lalo na sa kaniyang love life.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Kamakailan nga lamang ay madalas na makikita sa social media accounts ng aktres ang kanilang bakasyon at mga sweet moments. Hindi naman mapigilan ng maraming mga netizens na kiligin dahil talagang bagay na bagay silang dalawa para sa isa’t-isa.

Sa kaniyang YouTube channel ay ipinasilip ni Bea ang kanilang naging bakasyon sa California. Marami silang sinubukan na masasarap na mga pagkain at napakaganda rin ng mga lugar na kanilang pinuntahan.

Photo credit: Bea Alonzo Youtube Channel

Higit sa lahat, kitang-kita sa kanilang mga mata ang tunay na kaligayahan sa piling ng isa’t-isa. Marami ang nagdarasal na sana ay mauwi na sa kasalan ang kanilang relasyon at magkaroon na sila ng sarili nilang pamilya.

Ngunit sa ngayon, ang pinakamahalaga ay masaya silang dalawa sa estado ng kanilang relasyon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media