Connect with us

Showbiz

Ito pala ang sampung mga lalaki na naging malapit at nakarelasyon ng aktres na si Ellen Adarna!

Published

on

Si Ellen Meriam Go Adarna ay 33 taong gulang na aktres at modelo mula sa Cebu. Siya ay solong anak ng kaniyang Chinese-Filipina na ina habang Pilipino naman ang kaniyang ama. Ang kaniyang pamilya ay isa sa pinakamayayamang pamilya sa Cebu. Mayroon silang negosyo ng mga motel sa Cebu, Davao, at Maynila. Tunay nga na mayroon siyang angking kagandahan at napakagandang pangangatawan. Hindi na nakapagtataka na marami ang magkagusto at manligaw sa kaniya. Narito ang listahan ng sampung mga lalaki at sikat na personalidad na na-link kay Ellen Adarna at ang iba ay nakarelasyon pa niya.

1. FIRST BOYFRIEND NI ELLEN

Minsan nang ibinahagi ng aktres sa isa sa kaniyang mga naging interview noon na ang kaniyang first relationship ay nagtagal ng tatlong taon. Ito rin daw ang kauna-unahang “heartbreak” niya ayon sa aktres.

2. JC INTAL


Si Ellen ay baguhan pa lamang sa showbiz noon nang magkamabutihan sila ng PBA player na si JC Intal. Sa maiksing panahon ay naging magkarelasyon silang dalawa. Sinabi ni Ellen noon na si JC daw ang pinakamalabo niyang nakarelasyon dahil sa wala talaga silang komunikasyon. Sa loob ng anim na buwan ay naging magkarelasyon ang dalawa ayon sa aktres.

3. FILO CUECO


Taong 2010 nang maging magkasintahan si Ellen at ang negosyanteng si Filo Cueco. Nang mga panahon na iyon ay bahagi na siya ng gag show na “Bubble Gang” kung saan mas lalo pang nakilala si Ellen. Ayon naman sa ilang mga source, ang pamilya ni Filo ay nasa publishing at construction business. Napilit ni Ellen na sumali si Filo sa “Survivors Philippines Celebrity Double Showdown” kasama niya noong 2011 ngunit agad din namang umatras sa kompetisyon si Filo. Isang taon din ang tinagal ng kanilang relasyon.

4. RAOUL OLBES


Hindi naman itinanggi ni Ellen na tumira sila sa iisang bubong ng kaniyang nobyong si Raoul Olbes. Siya ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan noon bago pa man sila naging magkarelasyon. Higit sa isang taon din silang nagsama noon. Inamin din ng aktres na siya mismo ang nakipaghiwalay sa dati niyang nobyo hindi dahil sa third party kundi dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan lalo na at nakatira sa iisang bahay lamang.

5. RAYMOND ROMUALDEZ


Hindi rin naman nagtagal ang relasyon nina Ellen at Raymond Romualdez. Malabo din daw ang kanilang relasyon noon kung kaya naman nagdesisyon na lamang silang maging magkaibigan.

6. EJ FALCON


Naging magkatambal naman sa isang proyekto sina Ellen at EJ Falcon. Siyam na buwan ding umere ang “Passion De Amor” kung kaya naman naging malapit talaga sila sa isa’t-isa. Inamin ni Ellen na nakipag-date siya kay EJ ngunit sinabihan din niya itong huwag nang manligaw dahil kaka-break palang daw niya noon sa kaniyang ex-boyfriend at hindi pa siya handa sa bagong relasyon.

7. PAULO AVELINO

Naging usapan-usapan ang diumano’y relasyon nina Ellen at Paulo Avelino. Nang idaos noon ang “Star Magic Ball 2015” ay si EJ Falcon ang kaniyang kasama sa red carpet. Marami ang nakapansin na iniwan niya ito at sinamahan si Paolo buong gabi. Itinanggi naman ito ni Ellen.

8. BASTE DUTERTE


Naging kontrobersiyal din naman ang diumano ay relasyon nina Baste Duterte at Ellen Adarna. Si Baste ang bunsong anak ng Pangulong Duterto sa dati nitong asawang si Elizabeth Zimmerman. May 2016 nang kumalt ang mga larawan nilang magkasama na diumano ay nasa “dating stage” daw ang dalawa dahil sa mga sweet photos nila. Itinanggi naman ito ni Ellen at sinabing magkaibigan lamang sila. Mayroon din daw ibang karelasyon na babae si Baste at hindi si Ellen iyon.

9. JOHN LLOYD CRUZ


Sa lahat nang na-link kay Ellen, ang aktor na si John Lloyd Cruz ang naging pinakakontrobersiya. Taong 2017 noon nang kumalat ang balitang buntis ang aktres at si John Lloyd ang ama. Naging tikom ang kanilang mga bibig hanggang sa isinilang ang kanilang anak na si Elias Modesto. Hindi rin naman nauwi sa kasalanang kanilang relasyon dahil sa nakipaghiwalay diumano si Ellen at mas pinili na lamang na magkaroon sila ng co-parenting status para sa kanilang anak.

10 . DEREK RAMSAY


Nito lamang Enero 2021 nang magbalik sa showbiz si Ellen makalipas ang tatlong taon. Nagkaroon siya ng proyekto sa TV5 kasama si John Estrada na malapit na kaibigan ni Derek. Dahil dito ay nagkakilala ang dalawa at nagkamabutihan hanggang sa alukin ni Derek ng kasal si Ellen na ikinagulat ng marami dahil sa ilang buwan pa lamang silang magkakilala nang mga panahong iyon.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.