Connect with us

Showbiz

Willie Revillame nagsalita na tungkol sa kontrobersiyang nabuntis diumano niya si Hipon!

Published

on

Si Herlene Nicole Budol o mas nakilala natin bilang si Hipon ay 24 na taong gulang na host, aktres, modelo, at komedyante. Isa siya sa mga magagandang host ng variety game show na “Wowowin”.

Marami ang namangha kung paano siya nagsimula sa showbiz. Nang minsan kasi siyang sumali sa isang segment ng Wowowin na “Willie of Fortune” ay talagang natuwa sa kaniya si Willie dahil sa pagiging simple ngunit natural niya.

Nabigyan siya ng pagkakataon na maipamalas ang kaniyang talento sa naturang programa. Malaki naman ang kaniyang pasasalamat dahil sa pagtitiwalang ibinigay sa kaniya ni Kuya Wil.


Marami ang natuwa sa kaniya at naging dahilan din ito upang mas dumami pa ang mga tagasuporta niya. Nito lamang nagdaang buwan ay mayroong mga bali-balitang nabuntis diumano ni Kuya Wil si Hipon kung kaya hindi na ito lumalabas sa programa upang mag-host.

Agad naman itong pinabulaanan ng 60-anyos na host. Ayon sa naging komento ni Kuya Wil patungkol dito ay fake news lamang ang mga balitang ito at walang katotohanan.

“Natsitsismis ho nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi totoo ‘yan. Puro fake news ang ginagawa niyo,” pahayag ni Kuya Wil.
Hinikayat din niya ang publiko na huwag maniwala sa mga mapanirang balita na ito. Nakakahiya din diumano ito sa mga babaeng nali-link sa kaniya tulad na lamang ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik,” dagdag pa niya.

Nagbabala din siya sa mga taong nakakalat ng mga kasinungalingan na ito dahil sa hindi siya magdadalawang-isip na idulog ito sa National Bureau of Investigation (NBI). Bilang pangwakas ay nagbiro pa nga ang batikang komedyante at sinabing:

“Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?” Pagbibiro pa ni Kuya Wil sa naturang isyu.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media