Connect with us

Showbiz

Engaged couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna, kinagiliwan ng publiko matapos magpost ng video ng malakas nilang paghilik!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagsubaybay sa ating mga paboritong aktor at aktres. Tila ba nagiging pahinga na natin ang pagsulyap sa kanilang mga videos at larawan online.

Tunay nga na wala na yatang maitatago ngayon sa publiko dahil sa laganap na talaga ang maraming social media platform. Isang click mo na lamang ay maaari mo nang makita ang lahat.

Hati ang opinyon ng publiko patungkol sa relasyon nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Mayroong iilan na talagang humahanga sa kanilang pag-iibigan at sinasabing “cool and refreshing” daw ang kanilang relasyon.

Habang marami din naman ang bumabatikos at nagsasabing hindi sila pabor sa tila ba immature na relasyon ng dalawa. Kung noon ay laman lamang sila ng mga balita dahil sa madalas silang mamataang magkasama, ngayon ay kumpirmado na ang kanilang nalalapit na pagpapakasal.


Ikinagulat man ito ng kanilang pamilya at mga kaibigan ngunit mas pinili na lamang ng mga ito na suportahan ang kanilang desisyon. Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng mga netizens ang naging pag-aasaran nilang dalawa sa social media.

Nag-post kasi si Ellen ng nakakatuwang video ni Derek kung saan maririnig ang malakas na paghilik nito. Nilagyan pa niya ito ng caption na: ““My Cow is extra tired today”.

Hindi naman nagpahuli si Derek dahil kaagad din siyang nagpost ng video kung saan si Ellen naman ang humihilik ng malakas. Marami sa kanilang mga tagasubaybay ang talagang tuwang tuwa sa pag-aasaran ng dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)

Marami din naman ang nagsasabi na hindi na dapat pa isinasapubliko ang mga ganitong klase ng video o larawan. Para naman sa magkasintahan ay tila ayos lang sa kanila kahit ano pa ang sabihin ng mga tao sa kanilang paligid.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)

Basta sila ay masaya sa kanilang relasyon ngayon. Kailan nga kaya ang araw ng pag-iisang dibdib nila Ellen at Derek?

Pauunlakan din kaya nila ang publiko na masilayan ito o mas pipiliin nila ang intimate wedding celebration?


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media