Connect with us

Showbiz

Judy Ann Santos halatang pagod na pagod sa kaniyang trabaho bilanag isang restaurant owner ngunit talagang walang reklamo niyang ginagawa ito para sa kaniyang pamilya!

Published

on

Madalas, kung napag-uusapan natin ang mga magaganda, gwapo at sikat na mga artista ay wala na tayong ibang mailarawan sa kanila kundi ang pagiging mahusay nila sa kanilang larangan. Pagsayaw man ito, pagkanta, o pag-arte, talaga namang walang tulak kabigin.

Marami din sa mga sikat na artista ngayon sa bansa ang hinahangaan natin dahil sa angkin nilang kagandahan at kaseksihan. Maging ang pagiging hands-on nila sa kanilang sariling pamilya ay atin ding sinusubaybayan.

Ngunit maliban pala sa pagiging isang batikang aktres, maalagang ina at asawa sa kaniyang pamilya ay bibilib ka din sa pagiging entreprenyur ni Judy Ann Santos. Kung madalas nating mapanuod ang kaniyang mga de kalibreng teleserye at pelikula, mga nakakatuwa at “informative” na vlogs at cooking tutorial, lalo mo pa siyang mamahalin dahil sa pagiging masipag at mabuti niyang restaurant owner.

Mayroon kasi silang negosyo ng kaniyang mister na “Angrydobo”. Ang pangalan na ito ay hango sa nilutong adobo niya noon sa kaniyang asawang si Ryan nang minsang magkagalit sila.
Nasarapan si Ryan at ang buong pamilya kung kaya naman dito na nagsimula ang ideya ng kanilang negosyo. Ngunit sa kasamaang-palad ay dumating ang pandemya na talaga namang nagpahirap sa lahat.

Hindi lamang mga empleyado kundi maging mga food business owners ay labis ding naapektuhan. Min sang nagbahagi ng larawan ang aktres sa kaniyang social media account ay nag-alala ang kaniyang mga tagahanga.

Ito ay dahil makikita talaga sa larawan na pagod na pagod ang aktres. Paglilinaw naman niya sa kaniyang caption ay walang dapat ikabahala ang publiko dahil sa nagsabay lamang daw ang gutom at pagod niya nang araw na iyon.

Laking pasasalamat niya din sa maraming mga kostumer na patuloy na sumusuporta sa kanilang negosyo sa gitna ng pandemya. Sa dami ng mga negosyong nagsara ngayon ay pangako naman ng mag-asawa na gagawin nila ang lahat upang maitaguyod pa rin ang kanilang restaurant, kahit na wala muna silang kitain sa ngayon ang mahalaga ay mayroon pa ring trabaho ang kanilang mga empleyado at mayroon pa rin silang naipambabayad ng bills at mga pangunahing pangangailangan sa kanilang restaurant.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media