Connect with us

Showbiz

Richard Gutierrez, sinundan ang kaniyang mag-iina asa Switzerland upang sa wakas ay makasama ang mga ito!

Published

on

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami na tayong nababalitaan na mga naghihiwalay na magkasintahan, engaged couple at kahit pa nga mag-asawa na. Marahil ay hindi na lang talaga nila kinaya ang maraming mga pagsubok at hindi na rin nila nagawa pang ipagpatuloy ang kanilang relasyon.

Kamakailan lamang ay kinilig ang publiko dahil sa mga larawan na ito ng celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Taong 2017 nang ma-engage ang dalawa at nagdiwang na sila ng first wedding anniversary nila nito lamang March 2021.

Naging kontrobersiyal noon ang kanilang relasyon dahil sa halos siyam na taon nilang age gap. Nasa edad 19 o 20 pa lamang si Sarah noon nang mapabalitang ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Richard na 29 na taong gulang na noon.

Sa edad na 26 ay nagpakasal na sina Sarah, si Richard ay 35 taong gulang na. Sa ngayon ay mas lalo pang pinatatag ng panahon ang kanilang pagmamahalan.

Mayroon na rin silang dalawang mga anak sina Zion (6 taong gulang) at Kai (3 taong gulang). Nang minsang mag-post ng larawan nilang mag-asawa si Richard ay sinabi nitong “crush” pa din daw niya ang misis kahit pa nga kasal na sila at mayroon nang dalawang anak.

Tinukso naman ni Sarah ang aktor at tila nagpahiwatig na gusto na nito ng Baby No. 3 sabay sabing “I love you” sa kaniyang mister. Tunay nga na hindi man naging madali ang simula ng kanilang pagmamahalan.

Marami man ang tumutol at humadlang sa kanilang relasyon noon ay hindi naman maipagkakailang isa na sila ngayon sa pinakamatatag na celebrity couple sa bansa. Dalangin din ng kanilang mga tagahanga na hindi sila magsawa sa isa’t-isa at patuloy pang tumatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa sa paglipas ng maraming taon.

Sa kabila ng maraming mga nasirang relasyon at pagsasama sa ating paligid ay mayroon pa rin palang mga natatanging relasyon tulad na lamang ng kay Sarah at Richard Gutierrez.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media