Connect with us

Showbiz

Coco Martin, ibinunyag na si Dawn Zulueta ang nagbigay sa kaniya ng kauna-unahang niyang big bike bilang regalo sa aktor!

Published

on

Si Rodel Pacheco Nacianceno o mas nakilala natin bilang si Coco Martin ay 39 na taong gulang na aktor, direktor at film producer. Ilan sa mga matagumpay niyang proyekto ay ang “Minsan Lang Kita Iibigin”, “Walang Hanggan”, “Ikaw Lamang”, “Juan dela Cruz” at ang “FPJ’s: Ang Probinsyano.”

Tunay nga na malayo na ang narating ngayon ni Coco. Noon ay naging bahagi siya ng Star Circle Quest Batch 9 hanggang sa naging isa siya sa mga talent ng Star Magic.

Ayon sa ilang mga ulat, bata pa lamang si Coco ay talagang masikap na siya sa buhay. Pagkatapos niya sa eskwela ay nagmamaneho na ito ng traysikel sa edad na 16 na taong gulang.

Ginagawa niya ito dahil sa nais niyang makatulong sa paggastos ng kanilang pamilya. Ang kaniyang ama at lolo naman ay pamamasada din ang ikinabubuhay.

Namamasada sila ng dyip na siya ring sumuporta sa edukasyon ni Coco. Sa ngayon ay tinanghal na rin siya bilang “Kapamilya Primetime King” dahil sa mga magagandang proyekto niya at nakakamanghang pagganap sa kaniyang mga karakter sa mga ito.

Dahil sa kaniyang pagsusumikap at pagtitiyaga ay isa na siya ngayon sa pinakamatagumpay na personalidad sa bansa. Dahil dito ay nabilhan na rin niya ng tatlong traysikel at isang bagong dyip ang kaniyang lolo at ama upang mas makatulong sa kanilang pamilya.

Nakahiligan na rin niyang mangolekta ng mga mamahalin at magagarang mga sasakyan. Gayundin naman ay marami din siyang mga motorsiklo na 11 na ngayon. Siyempre ang kaniyang mga big bikes ang nagpaparelaks sa aktor.

Madalas siyang nagmamaneho ng mga ito kung nais niyang malibang at magrelaks. Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko na ang kauna-unahan niya palang big bike noon ay regalo pa sa kaniya ng multi-awarded actress na si Dawn Zulueta.

Naging malapit ang dalawa nang maging magkatraho sila sa teleseryeng “Walang Hanggan”.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media