Connect with us

Showbiz

Larawan ni Ellen Adarna at Elias kasama si Derek aRamsay at pamilya nito, inulan ng komento at reaksyon mula sa publiko!

Published

on

Sa mundo ng showbiz dito sa Pilipinas, talagang napakaraming kontrobersiya at isyu ang kinahaharap ng mga sikat na personalidad. Maraming mga aktor, aktres, modelo, beauty queen o mga social media influencers ang talagang pinuputakte ng mga malisyosong mga balita depende sa kanilang mga posts online.

Kamakailan lamang ay naging mainit na usapan ang diumano ay higit sa pagkakaibigang tinginan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Si Ellen ang naging karelasyon noon ni John Lloyd Cruz bago pa man ito mamahinga sa show business.

Hanggang sa napabalita na lamang na nagdadalang-tao na nga ang aktres sa kanilang panganay na si Elias Modesto. Naging mabilis ang mga pangyayari at isang araw ay nagulantang na lamang ang marami nang aminin nina Ellen at John Lloyd na hiwalay na silang dalawa at co-parenting na lamang ang relasyon nila para sa kanilang anak.


Samantala, si Derek Ramsay naman ay kakahiwalay pa lamang sa kaniyang nobyang si Andrea Torres. Nagsimula ang kanilang matamis na pagtitinginan nang magtambal sila sa isang teleserye.

Buhat noon ay mas dumami pa ang kanilang mga tagahanga at nagkaroon pa nga ang kanilang tambalan ng sarili nilang YouTube channel. Hindi pa nakakalipas ang isang buwan ay namataan na ang ilang sweet photos nina Derek at Ellen.

May mga ilang larawan din si Ellen na nasa loob mismo ng bahay ni Derek at mayroon pang isang larawan kung saan kasama nito ang ama ng aktor. Muli namang nakita sa kanilang mga posts online ang ilang mga larawan kung saan kasama ni Derek sina Ellen at anak nitong si Elias habang nasa harap sila ng pagkain ng kaniyang buong pamilya.

Mayroon pa silang isang larawan kung saan tila nasa bakasyon sila kasama ang ilang mga kaibigan. Makikitang nakahawak din si Derek sa bandang likuran ng aktres kung kaya naman inulan din ito ng maraming reaksyon at komento mula sa publiko.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media