Connect with us

Showbiz

Vice Ganda, ipinasilip sa publiko ang unang beses nilang Boracay vacation ni Ion Perez kasama ang kaniyang nanay Rosario!

Published

on

Marahil ay narinig na ninyo ang mga kataga na sa likod ng isang matagumpay na anak ay ang kaniyang mga magulang na todo ang suporta sa kaniya. Gayundin naman ang katuwang ng asawa para sa kaniyang pagpapagal sa trabaho ay ang kaniyang kabiyak din.

Mapalad tayo dahil karamihan sa atin aymayroon pang mga magulang at kasama pa ang mga katuwang natin sa buhay. Kung kaya naman para kay Vice Ganda, wala na siyang sinasayang pang pagkakataon upang ipakita at iparamdam sa kaniyang mga mahal sa buhay na sila ay mahalaga sa kaniya.

Kamakailan lamang ay sinorpresa niya ang buo niyang pamilya ng isang napakagandang bahay para sa kanilang lahat. At ngayon naman ay ipinasilip niya ang naging bakasyon nila ni Ion Perez sa napakagandang isla ng Boracay kasama ang kaniyang nanay Rosario.

Masayang masaya sila dahil sa gitna ng pandemya o kahit pa sa gitna ng maulan na panahon ay nagawa pa rin nilang ma-enjoy ang maiksing bakasyon nila sa isla. Nagbahagi din si Ion ng kaniyang post sa social media kung saan nilagyan niya ito ng caption na “Pers taym”.

Mayroon din namang sweet na caption si Vice para sa kaniyang post kasama ang nobyo.

“Look, we are so beautiful. Normalize seeing a lovestory that’s different from yours,” Saad ni Vice sa kaniyang caption.

Mayroon ding touching moment sina nanay Rosario at ang batikang komedyante. Nagsu-swimming sila sa pool nang pasanin ni Vice ang kaniyang ina.

Tunay nga na mararamdaman ng bawat isa kung gaano niya kamahal ang kaniyang ina. Minsan na ding nakapanayam ni Ogie Diaz si Vice tungkol sa relasyon nila ni Ion. Para kay Vice, masayang masaya ang estado ng puso niya ngayon sa piling ng nobyo at palagi niyang ipinagpapasalamat ito sa Diyos.

Sa ngayon ay napalaki na daw ng naitulong ni Ion sa kaniya dahil sa naging katuwang na niya ito sa buhay. Batid ni Ion kung paano siya pakakalmahin, paano siya patatahanin at kung paano siya pakikiligin.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media