Connect with us

Showbiz

Aktres na si Lovely Abella, hindi pa rin makapaniwala na nakapagpundar na sila ng kotse, bahay at lupa dahil sa pag-oonline selling!

Published

on

Marami nang mga nagsulputan na online sellers ngayon lalo na ng nagkaroon ng pandemya sa buong mundo. Halos lahat ay talagang apektado ng pangyayaring ito.

Tunay nga na marami nang mga taong nawalan ng trabaho at mga negosyong kinailangang magsara dahil sa epekto ng pandemya ay mayroon pa ring mga pamamaraan na naiisip ang mga Pilipino. Sinong makapagsasabi na sa simpleng pagtitinda lamang online ay maaari ka nang makapagpundar ng pangarap mong kotse o di kaya naman ay makapagpatayo ng sarili ninyong bahay at lupa?

Isa na nga sa masisipag na online sellers ngayon ay ang aktres na si Lovely Abella. Si Lovely Abella ay 35 taong gulang na dancer, host, komedyante, modelo, aktres at entreprenyur.

Marami na rin siyang nagawa na mga proyekto sa telebisyon at pelikula. Tunay nga na talagang mahal niya ang kaniyang propesyon bilang isang artista dahil sa ibinibigay niya ang lahat para sa kaniyang mga proyekto.

Ngunit maliban pala sa pagiging isang mahusay na aktres ay isa rin siyang masipag na online seller. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Lovely at ang kaniyang pamilya na naging matagumpay ang kanilang online selling business.

Katuwang ang kaniyang mister na si Benj Manalo ay talagang nakamit na nga nila ang pinakamagandang biyayang natanggap nila sa kanilang buhay. Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa kaniyang mister dahil sa talagang naging determinado at masipag din ito sa kabila ng panganib ng pandemya.

Sa ngayon ay makikita sa kanilang mga social media accounts ang apat nilang online businesses tulad ng “Lovely Cosmetics”, Caf’eatte PH, Kaysha Sandalia, at Pareja. Tunay nga na kung determinado at nagsusumikap ka sa buhay ay makakamit mo rin ang pinapangarap mo para sa iyo at para sa iyong pamilya.

Nagsilbing inspirasyon ang mag-asawa para sa mas maraming mga Pilipino at mag-asawang nagsusumikap para sa kanilang mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media