Connect with us

Viral

Video ng mga asong mahal na mahal ang kanilang mga kaibigang pusa, patok sa publiko!

Published

on

Sa isang pamilya, sa tuwing mag-aaway ang magkakapatid madalas nating naririnig sa ating mga magulang ang mga katagang “para kayong aso at pusa”. Marahil ay madalas talagang mag-away ang mga pusa at aso kung kaya naman nagamit na rin natin itong paglalarawan sa ilang mga ugali nating mga Pilipino.

Kahit naman mga pet owners ay tiyak na sasang-ayon din na literal na madalas ang pag-aaway ng mga aso at pusa sa kanilang mga tahanan. Maaaring dahil magkaiba sila ng lahi o di kaya naman ay may mga pagkakatulad din sila.

Nakakatuwa lang ding makakita ng mga aso at pusa na naghaharutan, nagbibiruan, at naglalaro na para bang tunay na magkapatid. Ilan sa mga nakakatuwang video na ito ay ang mga aso at pusa na nasa loob ng kanilang mga tirahan.

Naghahabulan at sa ibang termino nga ngayon ng mga millennials ay “nagbabardagulan”. Sa kabila ng tila pagsasakitan nilang ito ay mayroon din namang ilang mga video na nagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal ng mga aso at pusang ito sa isa’t-isa.

Kahit na mas malaki ang isa at mas maliit ang isa sa kanila ay talagang mapapansin mo ang malasakit nila para sa isa’t-isa. Bilang mga pet owners ay talagang nakakatuwang masilayan ang ganitong klase ng mga eksena.

Nakakabawas rin ito ng ating kalungkutan at stress sa buong araw na pagtatrabaho. Marahil kung nakakapagsalita lamang ang mga hayop na ito, ipapaalala nila sa atin na wala namang masama na mamahinga minsan, wala namang masama na minsan ay hindi tayo magseryoso.

Wala namang mawawala sa atin kung magiging masaya tayo at pasasayahin natin ang mga taong nakapaligid sa atin. Kung sana ay ganoon lamang kadali at kasimple ang buhay, tiyak na mas maraming tao ang magiging kuntento at maligaya sa kanilang mga buhay.

Ano man ang pinagdaraanan natin sa ngayon, huwag sana nating malimutan ang ngumiti o tumawa kahit sandali tulad ng mga alaga natin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.