Connect with us

Viral

Isang aso na may “buntot” sa kaniyang noo, usap-usapan ngayon ng publiko!

Published

on

Masarap magkaroon ng alagang hayop. Aso man yan, pusa at marami pang ibang klase ng hayop.

Nakakabawas kasi sila ng stress at ng kalungkutan kung kaya naman hindi na nakapagtataka pang marami sa atin ang nagnanais na mag-alaga ng mga hayop na ito. Kahit pa nga batid nating maraming responsibilidad din tayong dapat gampanan.

Kilalanin natin si Narwhal na mayroong kakaibang katangian na hindi madalas makita sa mga katulad niyang aso. Mayroon kasi itong tila isang buntot sa gitna ng kaniyang noo.

Sa ngayon ay nasa isang rescue at animal shelter na siya. Marami ang tumatawag sa kaniya na isang “unicorn puppy” dahil sa kaniyang buntot sa noo.

Ngunit marami pa rin talaga ang nagtataka kung bakit nga ba at paano nga ba nagkaroon ng ganitong klase ng buntot si Narwhal. Dahil sa ninais na rin ng rescue center na malaman ang tunay na dahilan sa likod nito kung kaya naman agad na nila siyang dinala sa isang beterinaryo.

Sinuri naman at ginawan ng x-ray si Narwhal kung saan natuklasan ng doktor na wala naman palang buntot na tumubo sa kaniyang noo. Hindi rin ito konektado sa kahit anong parte ng katawan ni Narwhal.

Ligtas naman daw siya ayon sa doktor at wala nang dapat ipag-alala pa ang rescue center. Sa ngayon ay hindi na muna siya inililista sa mga maaaring maampon na aso sa kanilang lugar dahil nais muna nilang alagaan at palakihin pa ito nang husto.


Hanggang sa pagdating ng araw na iyon ay magiging handa na siya at ang taong mag-aampon sa kaniya. Hindi na rin makapaghintay pa ang staff ng animal rescue center kung kailan darating ang araw na ito na tiyak na ikaliligaya rin ni Narwhal.

Tunay nga na biyaya ring maituturing para sa nakararami ang pagkakaroon ng mga alagang hayop katulad na lamang ni Narwhal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.