Connect with us

Viral

Isang mabuting Samaritano ang tumulong sa paralisadong aso na ito na naghihingalo sa daan!

Published

on

Natural na lamang ang pagtulong sa atin mula pa noon dahil bata pa lamang tayo ay talagang sinanay na tayo upang tulungan ang mga tao sa ating paligid na talagang nangangailangan ng tulong. Ngunit paano nga kaya kung isang kawawang aso ang makita mo sa daan, tutulungan mo kaya ito o hahayaan na lamang?

Kamakailan lamang ay umantig sa publiko ang kwentong ito ng isang paralisadong aso na nakatanggap ng tulong mula sa isang lalaking napadaan lamang sa kaniyang kinaroroonan. Siya ay nakilala bilang si Wang mula sa China, noon pa man ay talagang hilig na niya ang maglakbay sa iba’t-ibang lugar.

Nang minsang nakita niya ang kawawang aso sa daan ay hindi na niya nagawa pang hayaan at iwanan na lamang ito. Nakita niya kasi itong hatak hatak ang kaniyang dalawang paa.

Nang kaniyang ipagtanong ay minsan na pala itong nasagasaan. Iniwanan lamang ito nang nakasagasa sa kaniya sa lansangan.

Mula noon ay hindi na nagawa pang makalakad ng maayos ng asong ito. Dahil sa labis na pagkahabag sa aso ay nagdesisyon si Wang na tulungan ito.

Dinala niya siya sa isang beterinaryo upang masuri ang kaniyang kalagayan. Nalaman nilang wala nang lunas pa sa mga paa ng aso dahil labis na itong napinsala nang nangyaring aksidente.

Hindi lubos akalain ni Wang na malala na pala ang lagay ng aso. Dito na niya naisip na kupkupin ang aso na pinangalanan niyang si Bitter Melon.


Nakasama niya ito sa naging paglalakbay niya nang isang taon. Pagkatapos nito ay umuwi na sila sa kaniyang tahanan kung saan niya ginawan ng isang natatanging regalo si Bitter Melon.

Gumawa siya ng gulong para sa dalawang paralisadong paa nito. Dahil dito ay nagawa nang makalakad at makatakbong muli ni Bitter Melon.

Masayang masaya si Wang at ang kaniyang alaga dahil sa wakas ay mas maayos na at mas komportable na ang kalagayan nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.