Connect with us

Viral

Isang higanteng kabayo, palaging nakikipaglaro sa batang ito na mayroong special needs!

Published

on

Kapansin-pansin kung paanong nagiging malapit kaagad ang mga hayop sa mga bata lalo na sa panahon natin ngayon. Madalas nga na ibinibili pa ng mga alagang hayop o pets ng mga magulang ang kanilang mga anak.

Hindi na bago ang makakita tayo ng mga bata na may alagang aso, pusa, isda, kuneho, ibon, hamster, at marami pang iba. Ngunit agad na pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang higanteng kabayo na ito na kaibigan ng isang batang may special needs!

Sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang landas ng kabayo na ito at ng batang lalaki. Maging ang ama ng batang ito na ilang taon na ring nag-aalaga ng mga kabayo ay nagulat nang masaksihan ang magandang koneksyon ng dalawa.

Mayroon kasing kakaibang karamdaman ang kaniyang anak na kung tawagin ay Williams Syndrome (WS). Bihirang bihira ang karamdaman na ito sa Israel.

Sa katunayan ay mayroon lamang 150 katao ang may ganitong sakit sa buong Israel at isa na nga sa mga ito ang batang lalaking ito. Ayon sa mga nauna nang ulat, wala raw gamot sa sakit na ito.

ito ay isang pambihirang “genetic multisystem disorder” kung saan mapapansin sa pasyente ang ilang medical problems, hirap sa pagkatuto, developmetal delays, at cardiovascular disease. Ang isang taong may ganitong karamdaman ay madaldal at palakaibigan din naman ngunit hirap silang makaunawa ng pagmamahal.


Sa sitwasyong ito, tila hindi naging problema sa batang lalaki ang pagkikita nila ng kabayong ito sa kauna-unahang pagkakataon. Ang malaking kabayo naman na ito ay talagang kalmado lamang at hindi agresibo kahit pa nga ayaw bitawan ng bata ang kaniyang mga binti.

Tila ba mayroong “instant connection” sa pagitan nilang dalawa. Labinglimang taon na ang karanasan ng ama ng batang ito pagdating sa mga kabayo ngunit hindi niya talaga lubos maisip kung paanong naging ganoon na lamang ang pag-uugali ng kabayo sa kaniyang anak!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.