Connect with us

Viral

Isang empleyadong aso na talaga namang napaka-cute, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Mababakas sa mukha ng asong si Heaven ang labis na kasiyahan dahil siya ay isa nang empleyado ng home depot. Ngunit lingid sa kaalaman ng publiko ay dati pala siyang naninirahan sa Kentucky River Regional Animal Shelter.

Talaga namang malungkot na malungkot ang kaniyang hitsura noon noong siya ay dito pa naninirahan. Hindi rin naman nagtagal at mayroong umampon sa kaniya na nakilala bilang si Jackie Rakers.

Batid niyang may nais gawin ang kaniyang alaga kung kaya naman nakipag-usap at nakipag-ugnayan siya sa Home Depot management. Pumayag din naman agad ang pamunuan ng Home Depot na maging empleyado nila si Heaven.

Binigyan pa nga nila ito ng sarili niyang uniporme na kulay orange – signature na kulay ng kanilang establisyemento. Unang araw pa lamang ay talagang makikita na sa mukha ni Heaven kung gaano siya kasaya.

Maging sa mga litrato ay kuhang-kuha ang bawat ngiti niya. Marahil ay nagustuhan talaga niya ang malawak na lugar at maraming mga taong maaari niyang makahalubilo sa Home Depot.

“I have never seen Heaven so happy before and she enjoyed walking around like this place is her realm,” pahayag ni Rakers.


“She walks arοund minding her οwn business and then suddenly insists οn meeting sοmeοne. She just sits and stares. They always end up saying hοw they needed that pick-me-up. It’s like she has a sense οf whο needs tο be shοwn they are lοved that day — and οne οf her favοrite places tο dο that is Hοme Depοt!” Dagdag pa niya.

Kung noon ay takot siya sa maraming mga bagay, ngayon ay unti-unti nang nababago ito at mas natututo na siyang magtiwala sa mga tao sa kaniyang paligid.

“She was scαred οf everything, but with a lοt οf trαining and patience, she learned tο trust, and nοw it’s like she pays it fοrward. She finds whο needs her and gives them that smile and a cuddle.” Kwento pa ni Rakers.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.