Connect with us

Viral

Dalawang gasoline boy, nagpaligo sa isang asong kalye!

Published

on

Pagdating sa pang-araw-araw nating buhay, marami sa atin ang may kaniya-kaniyang krus na pinapasan. Maraming mga pagsubok at marami rin namang mga sakripisyo na kailangang gawin.

Ngunit kahit gaano pa kahirap ang sitwasyong pinagdaraanan natin sa ngayon, tiyak na marami pa ring magagandang mga bagay ang kaya nating gawin hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ibang tao sa ating paligid. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami ang video na ito ng dalawang gasoline boy ng isang sikat na gasolinahan na pinaliliguan ang isang kawawang aso.

Kapansin-pansin na ang asong ito ay isang asong kalye at palaboy-laboy lamang sa lansangan. Ngunit sa kabila nito ay nagmagandang-loob ang dalawang lalaki na siya ay paliguan.

Marahil dahil sa matinding sikat ng araw at sa sobrang epekto ngayon ng “global warming” at “climate change” ay minabuti na ng dalawang lalaking ito na tulungan ang kawawang aso na mapreskuhan man lang. Kung sa pang-araw-araw nating buhay, marahil hindi na natin mapapansin pa ang mga hayop na inabandona sa lansangan ng kanilang mga amo.

Dahil dito ay mas dumarami pa ang mga hayop na nagugutom, nagkakasakit, at nasasawi dahil wala man lang kumakalinga at nag-aalaga sa kanila. Buti na lamang kahit papaano ay mayroon pa ring mga taong katulad ng dalawang lalaki na ito.

Tunay nga na kahit anong mabuting gawa ang gawin nila sa asong ito ay hindi sila nito mabibigyan ng gantimpala tulad ng mga tao sa kanilang paligid. Ngunit mas may magandang gantimpala na nakalaan sa kanila mula sa Diyos na nasa langit.

Kung marami sa atin ang naniniwala sa “karma”, marami din naman ang naniniwalang hindi natutulog ang Diyos lalo na sa mga taong may mabuting intensyon sa kanilang kapwa katulad na lamang ng dalawang gasoline boys na ito. Inulan din sila ng papuri mula sa publiko dahil sa kanilang ginawa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.