Connect with us

Viral

Isang tuta na nalulunod sa gitna ng malawak na karagatan, iniligtas agad ng isang mabait na lalaki nang makita ito!

Published

on

Nagsasaya sina Bryn Crowell at mga kaibigan nito sa kanilang boat ride sa Florida nang may makita itong kakaiba sa gitna ng karagatan. Nakakita kasi siya ng isang hayop – hindi dolphin, hindi isang isda, at hindi rin isang pating – kundi isang aso!

Nagdesisyon silang lapitan ito upang masiguradong aso nga ang kanilang nakita. Nang makita nila ito nang malapitan ay talagang nagulat sila dahil nakumpirma nga nilang aso ito na lumalangoy sa gitna ng malawak na karagatan!

Nang makita ito ni Bryn ay hindi na ito nagdalawang-isip pang tumalon at iligtas ang kawawang tuta. Kahit pa nga delikado rin ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang ginawa ay talagang walang nakapigil sa kaniyang iligtas ang kawawang aso.

Napakaraming posibleng mangyari sa ginawa niyang ito ngunit hindi dito nakatuon ang kaniyang isipan dahil para sa kaniya, mahalagang mailigtas niya ang asong ito mula sa tiyak na kapahamakan. Maya-maya pa ay isang kaibigan ni Bryn ang tumalon din upang tulungan siyang iligtas ang aso.

Mayroon din namang isa sa kaniyang mga kaibigan na nakapag-video ng kaganapang iyon na agad ding kumalat online. Talagang naging laman ito ng balita sa diyaryo at telebisyon.

Ayon sa naging pagkukwento ni Bryn, noong unang beses niyang makita ito ay inakala pa niyang isa itong sumbrerong palutang-lutang sa gitna ng dagat. Napa-wow pa nga ito ngunit nang tinitigan na niya ito ng husto ay nakita niya na ito nga ay isang buhay na aso!


Walang may alam kung paanong napunta ang kawawang aso na ito sa delikadong sitwasyon ngunit talagang makikita rin ang katatagan nito at ang pagsusumikap na makaligtas sa nakakatakot na pangyayaring iyon. Bakas man ang takot at pagod sa mukha ng aso ay maaanig mo pa rin ang pag-asa at ang pasasalamat nito sa mga taong nagligtas sa kaniya.

Nang tingnan nila ang dog collar ng aso ay doon sila nakakita ng impormasyon patungkol sa pamilya nito. Tinawagan nila sila at laking pasasalamat ng pamilya dahil sa nailigtas nila ang kanilang alagang aso.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.