Connect with us

Viral

Isang cute at fluffy na poodle ang kinagigiliwan ngayon ng publiko dahil sa pagkilos nito na parang isang tao!

Published

on

Mayroon pa bang pamilya sa ngayon ang walang alagang hayop? Sa paglipas ng panahon ay parami na nga ng parami ang mga taong nagnanais na magkaroon ng isa o higit pang mga alagang hayop.

Marahil ay nais din kasi nilang mabawasan ang stress at kalungkutan na kanilang nadarama. Sino ba naman ang ayaw nang isang cute at “fluffy” na alagang aso?

Hindi ka lamang magkakaroon ng isang pet o isang alaga bagkus ay magkakaroon ka din ng instant na “cuddle buddy”. Hindi ba’t ang sarap sarap yakapin ng mga asong tulad ng poodle na ito.

Siya ay walang iba kundi si Kokoro mula sa Japan. Talaga namang napaka-cute niyang tingnan. Para din siyang tao kung kumilos paminsan-minsan ayon sa kaniyang amo.

Agad na napansin ng publiko ang mga larawan ni Kokoro nang ibahagi ito ng Twitter user na si Hisοka. Toy poodle kung tawagin ang kaniyang breed at napakaraming tao sa ngayon ang gustong-gusto ng breed na ito.

Ang mga ganitong klase ng breed ng aso ay matatalino, masisigla, at talagang palakaibigan. Nangangailangan din sila ng matinding pag-iingat at “grooming”. Maraming nakapansin sa makakapal nitong balahibo.


Nakakatuwa ang isa sa mga larawan niya kung saan makikitang para siyang isang tao na nakaupo, nagmumuni-muni, at nag-iisip ng mga bagay bagay patungkol sa kaniyang buhay. Mahilig din siyang tumingin sa salamin.

Marahil ay tinititigana niya ang kaniyang hitsura sa tuwing makikita niya ito sa salamin. Maging sa pagkain ay kasama siya ng kaniyang mga amo sa hapag-kainan.

Maging sa kalsada ay palaging napapalingon sa kaniya ang mga tao. Mayroon ding paboritong laruan si Kokoro na isang manika.

Tulad niya ay napaka-cute din nito. Sa mga larawan nila ay mistulang hindi sila mapaghiwalay ng kaniyang amo. Umani rin ng maraming papuri at magagandang reaksyon mula sa publiko ang mga larawan na ito ni Kokoro.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.