Connect with us

Viral

Isang aso ang tumalon sa 4th floor ng kanilang apartment nang makita ang amo nitong umuwi makalipas ang 2 linggo!

Published

on

Tunay nga na hindi matatawaran ang pananabik ng mga alaga nating aso sa tuwing makikita nila tayong umuuwi mula sa trabaho o kahit pa sa mga personal na lakad natin. Ngunit kamakailan lamang, isang aso mula sa Peru ang nagpawindang sa publiko nang bigla na lamang itong tumalon mula sa 4th floor ng kanilang apartment.

Ayon sa amo nitong si John Alexander Palomino Bendives, kinailangan niyang magtrabaho ng dalawang linggo at pagkatapos nito ay dumiretso na siya ng uwi sa kaniyang apartment. Nang makauwi naman ito ay agad siyang nakita ng alaga niyang si Mina.

Laking gulat din naman ng kaniyang amo nang bigla na lamang tumalon si Mina mula sa ikaapat na palapag ng kanilang tirahan ng makita si Bendives.

“It was really dangerous! Luckily, she wasn’t hurt. She didn’t seem to know what was going on, and she was very happy,” Komento ni Bendives.

Buti na lamang at nang tumalon ang kanilang alagang si Mina ay nasapo siya agad ni Bendives. Dahil sa nangyari ay pinag-iisipan na nila nang husto kung paano ito maiiwasan sa hinaharap.

“I’m going to put an extra fence on the window so the dogs, at least, don’t risk falling, and they can see outside. I love my fur kids, and they always greet them with love and enthusiasm. Me, I spend most of the time with them when I’m at home.” Salaysay ni Bendives.


Tunay nga na wala namang ibang intensyon ang ating mga alagang hayop kundi ang makasama tayong mga amo nila. Marahil ay labis lamang ang pananabik at pangungulila ni Mina sa kaniyang mga amo kung kaya naman hindi na nito napigilan pa ang bugso ng kaniyang damdamin.

Dahil sa pangyayaring ito, mas dapat tayong maging maingat sa araw-araw dahil hindi natin batid kung kailan darating ang aksidente lalo na sa mga alaga nating hayop.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.