Connect with us

Viral

Isang “handsome goat” sa Malaysia, kinagigiliwan ngayon ng publiko!

Published

on

Usap-usapan ngayon online ang kakaibang uri ng kambing na ito na kung bansagan sa kanilang bayan ay isang ‘handsome goat’. Siya ay nakilala bilang si Remos, ang 11 buwang gulang na kambing mula sa Muhammad Livestock Farm sa Perak, Malaysia.

Una na raw siyang sumikat online nang kumalat ang larawan nito kung saan tila naka-pose siya sa harap ng camera. Nagbahagi ang farm ng ilang mga larawan online na umani naman ng napakaraming “likes” at “comments”.

Dahil daw sa “handsome” nga ang kambing na ito kung kaya naman kumuha pa silang muli ng mga larawan. Ayon naman sa amo ni Remos, noon pa man ay mahilig na raw ito sa camera.

Palagi daw itong nagpopose sa harap ng kamera kung kaya naman hindi na sila nagtataka kung gaano ito ka-komportable kung may mga tao mang kumukuha ng larawan niya.

“Remos loves being photographed. Whenever he sees a camera, he would strike a pose and it would look like as if he was smiling in the photos,” Komento ni Ahmad M. Fadzil.

Dagdag din ni Fadzil, una na niyang binili si Remos at iba pang “dairy goats” sa kaniyang farm dahil gusto pa niyang mas palaguin ang kaniyang negosyo.

“When I was selecting some female goats, I saw Remos and how beautiful he was. I bought him immediately,” Komento niya.


Ngunit kung inaakala nating sapat na ang pagiging gwapo lamang ni Remos, nagkakamali pala tayo dahil mayroon daw itong “maintenance” at kailangan din ng malinis na paligid. Talagang umani ng maraming komento at reaksyon sa publiko ang mga larawang ito ni Remos.

Mayroon din namang iilan na nagsasabing mukha itong “unicorn”. Nakakamanghang makakita ng mga ganitong klase ng hayop.

Kung marami sa atin noon ang nakakakita ng mga ordinaryong kambing, ngayon naman ay mayroon pang isang uri ng kambing na hindi mo aakalain na isang kambing dahil sa panlabas nitong hitsura!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.