Connect with us

Viral

16 na taong gulang na aso, nakasama ang kaniyang pamilya sa huling pagkakataon bago ito binawian ng hininga!

Published

on

Ang pagkakasawi ng isang alagang hayop ay talagang napakasakit sa kahit na sino lalong lalo na kung nakasama ninyo ang alagang ito sa mahabang panahon. Halimbawa na lamang ang pamilyang ito na kinailangang mamaalam sa alaga nilang aso nang 16 na taon!

Talagang marami ang naging emosyonal nang mapanuod ang video na ito ng isang pamilya kasama ang alaga nilang aso. “Okey” ang pangalan ng aso nilang ito.

Makikitang karga-karga ng batang lalaki ang kaniyang aso habang ito ay naghihingalo na. Nakapaligid naman sa kanila ang iba pang mga miyembro ng kanilang pamilya.

Bagamat hinang-hina na siya, talagang makikita pa rin kung paano ito makipag-usap sa kaniyang fur mom habang kumakanta ito ng lullaby para sa kaniya. Pagkatapos nito ay nagpasalamat na ang babae kay Okey sa 16 na taon na inilagi niya sa kanilang pamilya.

Nang makapagpasalamat na siya ay agad nang namaalam si Okey. Napakasakit ng pangyayaring ito para sa batang lalaki at sa kanilang pamilya dahil hindi lamang alaga o pet ang turing nila kay Okey kundi bahagi na rin ng kanilang pamilya.

Ayon sa kanilang kwento, dalawang taon na ang nakararaan nang magkasakit si Okey. Kinailangan pa nga nitong magpa-ospital ng mga panahong iyon.


Lumipas pa ang ilang taon at wala na talagang naging lunas sa kaniyang karamdaman. Inuwi na lamang nila ang kanilang alaga at binuhusan ng pagmamahal sa huling mga sandali nito.

Maraming mga netizens din ang nakisimpatya sa pamilya. Ilan pa nga sa kanila ang nagbahagi rin ng kanilang mga naging karanasan nang minsan rin silang mawalan ng alagang hayop.

Para naman sa pamilyang naiwan ni Okey, laking pasasalamat nila dahil nakasama nila ito nang matagal na panahon. Sa kaniyang paglisan, dalangin nila na balang-araw ay muli rin silang magkita at magkasamasama.

Hindi biro ang mawalan ng mahal sa buhay – isa man itong tao o hayop, ang sakit na kanilang nadarama ay hindi matutumbasan at hindi kayang ipaliwanag ninuman.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.